TAGAPAGBUO NG PANGALAN NG NEGOSYO SA CRAFT
Paggawa ng pangalan para sa negosyong craft sa ibaba.
Lumikha ng website nang LIBRE
Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing
Nilalaman ng Artikulo
(Lumaktaw sa Seksyon)
Paano pangalanan ang iyong negosyo?
5 Paraan sa Pagpapangalan ng iyong Negosyo
Ideya sa Pangalan ng Negosyo
PAANO PANGALANAN ANG IYONG NEGOSYO SA CRAFT
Ikaw ay nagsisimula o pagre-rebrand ng iyong negosyo sa craft at naghahanap ng perpektong pangalan? Alam ko nakakabigong maghanap ng nakakaakit, matalino at ‘di malilimutang pangalan na maging ikaw at ang iyong kustomer ay magugustuhan ito.
Pero hindi mo kailangang mag-alala, Ipapakita ko sa iyo ng eksakto kung paano gumawa ng brandable craft na pangalan ng negosyo. Ang magandang bahagi? Iibabahagi ko sa iyo ang dalawampung pangalan ng negosyo ng craft at ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito gagawin mag-isa.
Nirerekomenda kong subukan mo muna ang aming tagapagbuo ng pangalan ng negosyo sa crafts sa itaas bago sundin ang mga gabay.
Narito ang aking 20 ideya ng pangalan
- Craft at Likha
- Masayang Crafts
- Handy Mandy
- Ang Bahay ng Craft
- Anghel ng Craft
- Treehouse Crafts
- Crafterina
- Kahon ng Paglikha
- Pangarap na Disenyo
- Tiny Tops
- Diwata ng Craft
- Crafty Affair
- JoyBox Design
- Mainam na Craft
- Craft junkie
- Pandayan ng Craft
- Ang Craft sa Sulok
- Malikhaing Bagay
- The Rustic Door
- Frosted Saddle
Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!
APAT NA HAKBANG SA PAGPAPANGALAN NG IYONG NEGOSYO SA Craft
Gagabayan kita sa 4 na mga hakbang na ginamit ko sa pagbuo ng nakakaakit na mga pangalan sa negosyo. Una sa lahat, ipapakita ko sayo kung paano ako nakabuo ng 20 mga ideya ng pangalan. Matapos nito ay gagawa ako ng pangalan ng negosyo sa craft na nakakakit, ‘di malilimutan, madaling bigkasin at brandable.
Sumunong lamang:
#1) MAG-BRAINSTORM NG MGA IDEA SA PANGALAN
Upang makabuo ng pangalan sa negosyong craft, simulan sa pag-brainstorm ng mga salitang perpekto upang ilarawan ito. Halimbawa, sa aking ideya sa pagpapangalan, ginamit ko ang mga salitang “Sining”, “Mga Likha”, “Punong Bahay” at “Disensyo”.
Ang isang kustomer ay madaling maiuugnay ang mga salitang ito sa negosyong craft, kung kaya madali nila itong maaalala.
Bilang panuntunan, ikonsidera ang mga salitang pumapasok sa iyong isipan kapag naiisip mo ang iyong negosyong craft.
Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan ng negosyo.
Narito ang aking mga ideya matapos ang brainstorm:
#2) MAMILI SA IYONG MGA IDEYA
Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapa alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.
Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:
- Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
- Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
- Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
- Ang pangalan ba ay naghahatid ng kahulugan?
- Ang pangalan ba ay walang labis na paggamit ng mga salita at cliches?
Ang Aking Shortlist:
Mga Tinanggal na Ideya:
Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!
#3) HUMINGI NG TUGON
Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na mga pangalan sa negosyong craft at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.
Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:
- Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
- Paano mo ito baybayin?
Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo.
TUGON NG AKING KOSTUMER:
Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng pagkamalikhain.
Ang pangalang ito magkatugma na ginagawang madali upang bigkasin at matandaan.
Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng pagkamalikhain at pagiging natatangi. Ang mga salitang magkatugma ay ginagawa itong hindi malilimutan.
Ang pangalan na ito ay natatangi at brandable.
#4) ALAMIN KUNG ITO AY MAARI PANG GAMITIN
Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng negosyo sa iyong listahan. Kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na, maari kang Humanap ng Pangalan ng NegosyoBusiness online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa pagpaparehistro ng Trademark at Pangalan ng Domain.
“Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain
PAGSUSURI SA PANGALAN NG KOMPETITOR
Upang matulungan kang mapag-isipan ang mga potensyal na pangalan ng negosyo, tingnan natin ang tatlong matagumpay na mga negosyong crafts at paghiwalayin kung bakit at paano nila pinili na pangalanan ang kanilang negosyo at kung bakit ito gumagana para sa kanila.

Jonny’s Sister
Anong gagawin mo kung nais mong gamitin ang pangalan ng isang tao sa iyong negosyo ngunit ayaw mong isunod ito sa pangalan mo? Gumamit ka ng relasyon mo sa ibang tao. Ang Jonny’s Sister ay patuloy na ginagamit bilang personal na pangalan ngunit iniba ito ng kaunti gamit ang mga relasyon.

Coralie Reiter
Ang isa pang halimbawa ng negosyo ng Crafts na sinunod ang pangalan sa negosyo ng nagtatag nito. Si Corali ay nagsimula sa kaniyang negosyo matapos ang kaniyang karera sa pagiging taga-disenyo ng mga alahas. Sa Coralie Reiter, gumagawa siya ng mga alahas gamit ang mga bagay gaya ng beads at tela mula sa buong mundo.

JC Middlebrook
Itinatag ni Jayne Childs (dito nagmula ang JC na pangalan ng kaniyang negosyo). Ang JC Middlebrook ay isang matagumpay na negosyng crafts na nagbebenta ng lace na tela, mga regalo at mga item sa sining. Gamit ang iyong pangalan bilang pagpapaikli, ay isa din sa mga paraan na pwede mong magamit sa pagbuo ng pangalan ng iyong negosyong crafts.
1. GUMAWA NG PAGSUSURI SA KOMPETITOR
Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:
- Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
- Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”
- Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?
2. MAGPOKUS SA PAGPA-PANGALAN NG IYONG NEGOSYO, HINDI KUNG PAANO ITO ILALARAWAN.
Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa craft. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.
Gamitin nating halimbawa ang isang totoong pangalan ng restawran na pinapangalanang “Mom & Me Crafts”.
Sa titignan, ito ay parang isang negosyong pagmamay-ari ng isang ina at nang kaniyang anak. Sa malalim na kahulugan, ang pangalang ito ay nagpapahayag ng pagmamahal at pagiging maalab sa pagbuo. Ang relasyon sa pagitan ng anak at ina ay isa nang makabagbag damdamin at ang ganyang pakiramdam ay makukuha ng mga kustomer kapag iniugnay nila ang kanilang sarili sa negosyong ito.
3. PAANO GUMAWA NG PANGALANG MADALING TANDAAN
Ang paggawa ng pangalan ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:
- Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (Handy Mandy, Tiny Tops)
- Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (Nove Designs – Nove bilang bago na nagrerepresenta ng orihinalidad, pagka-malikhain, at inobasyon)
- Panatilihin itong maikli at simple.
4. SUBUKANG BUMILI NG PANGALANG NAGBIBIGAY BRAND
Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng website ay maaaring:
- Lebo Creations
- Alomos Designs
- Limo Crafts
Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com
5. IWASANG PAGSAMAHIN NG MGA SALITA PARA LAMANG BUMUO NG KAKAIBANG PANGALAN
Isa pa sa mga tipikal na kamalian ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay nais pangalanan ang kanyang negosyo bilang Jumbo Designs at nalaman niyang ito’y hindi na maaring gamitin. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang negosyo, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang JumbDesig, JumboDezigns o Jumbo Designo.
Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una
HuWAG KALIMUTANG GAMITIN ANG AMING TAGABUO NG PANGALAN SA NEGOSYO NG CRAFT
PAANO NAISASALARAWAN ANG CRAFT?
(“____ Craft”)
Halimbawa, ang pangalan ng tindahan ng Craft gamit ang mga salitang naglalarawan “Makalumang Craftifacts” at “Baybayin na GemCraft”
CRAFT SA BANYAGANG MGA SALITA
Ikonsidera ang paggamit ng banyagang salita sa pangalan ng iyong negosyo para mabigyan ng impresyon ng pagiging internasyunal o kakaibang brand.
Latin: Arte
French: Artisanat
Italian: Mestiere