Tagabuo ng Pangalan ng Website
Bumuo ng pangalan sa ibaba para sa iyong negosyo.
Lumikha ng website nang LIBRE
Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing
Nilalaman ng Artikulo
(Lumaktaw sa Seksyon)
Paano Pangalanan ang iyong Negosyo?
5-Tips upang Pangalanan ang iyong Negosyo
Mga Ideya ng Pangalan ng Negosyo
Paano pangalanan ang iyong website
Kamusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa apat na hakbang upang pangalanan ang iyong website. Sa ibaba ay iyong makikita ang dalawampung halimbawa ng mga pangalan na aking nabuo sa pamamagitan nito. Kasunod ay ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito magagawa. Upang masimulan, subukan ang tagabuo ng pangalan ng website sa itaas o hanapin sa ibaba ang unang hakbang sa proseso ng pagpapangalan.
- Weblific
- Digital Corner
- Blogified
- Shopalific
- VirtualSpaced
- WWWonderful
- Splendifica
- WebXTeam
- Digital Scripture
- Sumulat ng Koreo
- Lampas Kalawakan
- WebItAll
- Virtual Reality
- Net Poet
- Screengrabbed
- Online Workspace
- DigiGirl
- Ploterifica
- InterIstasyon
- LarawangVirtu
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!
Apat na Hakbang sa Pagpapangalan ng iyong Website
Ang apat na hakbang na proseso ay makakatulong sa pagpapangalan ng iyong website. Sa halimbawang ito, gumagawa ako ng pangalan para sa website na tumutukoy sa inobasyon, aksesibilidad at pagkakaroon ng mga kapaki-pakinabang na kontent. Ito ang mga hakbang na aking ginawa sa paggawa ng mga pangalang ito.
#1) I-brainstorm ang iyong mga ideya ng pangalan
Simulan ang brainstorming sa mga salita na maaring magamit sa pangalan ng iyong negosyo. Sa aking mga ideya ng pangalan, ginagamit ko ang mga salitang tulad ng web, virtual, digital at platform. Makikitang habang ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa mga websites, -minumungkahi rin nito na maasahan mo ang kalidad ng kontent at inobasyon. Ang iyong layunin ay gumawa ng listahan ng mga salita at pangalan na pumapasok sa isipan tuwing inaalala mo ang iyong negosyo.
Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan.
Ito ang aking mga ideya matapos ang brainstorming:
#2) Mamili sa iyong mga ideya
Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapa alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.
Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:
- Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
- Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
- Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
- Ang pangalan ba ay naghahatid ng kahulugan?
- Ang pangalan ba ay walang labis na paggamit ng mga salita at cliches?
Ang aking Shortlist:
Mga Ideyang Inalis:
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!
#3) Humingi ng Tugon
Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na pangalan ng website at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.
Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:
- Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
- Paano mo ito babaybayin?
Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo.
Mga Tugon ng aking Kostumer:
Ang pangalang ito ay mabilis na naglilinaw kung tungkol saan ang website habang ito ay nagbibigay pa rin ng kaunting katuwaan.
Ang pangalang ito ay hindi agad nagbubunyag kung tungkol saan ang website ngunit agad mong malalaman na may kaugnayan ito sa web at digital media dahil sa”WWW”.
Ang pangalang ito ay nagbibigay mungkahi na ang website ay pinapatakbo ng isang babae o ang website ay tumatalakay ng mga pambabeng paksa/nagtitinda ng mga kagamitan interesado ang mga kababaihan.
Ang pangalang ito ay nagsasabing ang website ay siguradong pagmamayari ng isang manunulat.
#4) Alamin kung ito ay maari pang gamitin
Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng website sa iyong listahan. Kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na, maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa pagpaparehistro ng Trademark at Pangalan ng Domain.
Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain
Pagsusuri ng Pangalan ng mga Kompetitor
Upang matulungan ka sa pag-brainstorm ng potensyal na pangalan ng negosyo, ating tignan ang tatlong matagumpay na websites at isa-isahin kung bakit at paano nila pinili ang pangalan ng kanilang negosyo, at bakit ito gumagana para sa kanila.

About.me
Ang website kung saan maaring gumawa ng profile ang mga tao at sabihin sa mundo ang ilang bagay tungkol sa kanila. Minsan pa, ang pangalan ay tunay na may kaugnayan at madaling maalala.

ThinkProgress
Ang website na ito ay para sa mga progresibong balita. Ang pagpipilian ng titulo ay malikhain at nagbibigay ng silid para sa interpretasyon, habang ito ay medyo nasa paksa pa rin.

LifeHacker
Ang blog tungkol sa mga hacks ng buhay at mga matalinong solusyon para sa mga pang-araw-araw na problema na hindi mapangalanan sa iba pang paraan higit kaysa LifeHacker.
Mga Premium Na Pangalan Upang I-Kickstart Ang iyong negosyo
Gawa ng mga eksperto sa branding at mga propesyunal na taga-desenyo.
Tignan ang Marami pang Premium na Pangalan mula sa .Domainify
1. Gumawa ng pagsusuri sa kompetitor
Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:
- Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
- Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”
- Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?
2. MagPokus sa pagpa-pangalan ng iyong negosyo, hindi kung paano ito ilalarawan.
Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa websites katulad ng biz, web, o digital. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.
Gamitin nating halimbawa ang isang totoong website na tinatawag na Mr. Money Moustache.
Ito ay kombinasyon ng mga palayaw at paksa na tinatalakay ng website. Ngunit kung una mo itong titignan, maaring ikaw ay parang mawawalan ng ideya kung ano ang mayroon dito. Dahil sa pangalan ay lalo kang magiging mausisa at interesado sa pag-alam kung tungkol saan ang website na ito.
3. Paano gumawa ng Pangalang madaling tandaan
Ang paggawa ng pangala ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:
- Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (Web Wizard, DigiDefined)
- Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (Platform – tulad ng sa isang web platform)
- Panatilihin itong maikli at simple.
4. Subukang bumili ng Pangalang nagbibigay brand
Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng website ay maaaring:
- Cozea
- Vrazen
- Zereke
Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com
5. Iwasang Pagsamahin ng mga salita para lamang bumuo ng kakaibang pangalan
Isa pa sa mga tipikal na kamalian ng mga may-ari ng website ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay nais pangalanan ang kanyang website na Online Wallet at nalaman niyang ito’y hindi na maaring gamitin. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang website, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang DigitWallet, Online Wallet Master, Magnificent Online Wallet.
Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una.