TAGABUO NG PANGALAN SA TATAK NG DAMIT AT MODA

Bumuo ng pangalan para sa iyong negosyo sa tatak ng damit at moda sa ibaba.

Lumikha ng website nang LIBRE

Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Matuto ng Higit PaMagsimula ng LibreWalang Kinakailangang Credit Card
Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

PAANO PANGALANAN ANG IYONG TATAK NG DAMIT AT MODA

Ang paglikha ng isang matagumpay na tatak ng damit at fashion ay tumatagal nang higit pa sa masidhing pagmemerkado.
Kailangan mo ng isang mahusay na pangalan na maaaring makilala ng iyong mga kostumer. Ang problema, ang paghahanap ng perpektong pangalan ay hindi ganoon kadali. Ngunit hindi ka dapat mag-alala, gagabayan kita sa apat na mga hakbang na ginagamit ko upang lumikha ng mga kamangha-manghang mga pangalan para sa mga negosyong tulad ng sa iyo.

Upang gawing madaling sundin ang gabay na ito, nagbigay ako sa ibaba ng 20 mga ideya ng pangalan ng tatak ng damit at moda at ipapakita ko sa iyo nang eksakto kung paano ko naisip ang mga ito.

Ngunit una muna, subukan ang aming tagabuo ng pangalan sa tatak ng damit at moda bago sundin ang tutoryal.

  1. Hourglass Jeans
  2. Clover Clothing Co.
  3. Runway Lingerie
  4. Porcelain Apparel
  5. Forester Flannels
  6. Finer Threads
  7. Lil’ Boss Jean Co.
  8. Wicked Stitch
  9. Modernong Moda
  10. Tanked Up Co.
  1. Infinity Sportswear
  2. Adventure Apparel Co.
  3. Redwood Casualwear
  4. Bewitched Boutique
  5. Binibining Kaibig-ibig Clothing
  6. Teen Tops
  7. Ginintuang Gilas
  8. South City Streetwear
  9. Clothina
  10. Attire Allure

Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!

APAT NA HAKBANG SA PAGPAPANGALAN SA TATAK NG IYONG DAMIT AT MODA

Ang apat na hakbang na proseso ay makakatulong sa pagpapangalan sa tatak ng iyong damit at moda. Sa halimbawang ito, gumagawa ako ng pangalan para sa tatak ng damit at moda na tumutukoy sa estilo at gilas. Narito ang bawat hakbang na ginawa ko sa paggawa ng mga pangalang ito sa negosyo.

Clothing & Fashion Business Name Ideas Infographic

I-click upang Tignan ang Infographic

#1) I-BRAINSTORM ANG IYONG MGA IDEYA NG PANGALAN

Simulan ang brainstorming sa mga salita na maaring magamit sa pangalan ng iyong negosyo. Sa aking mga ideya ng pangalan, ginagamit ko ang mga salitang tulad ng “Runway”, “Gilas”, “Kabataan” at “Bighani”. Ang sinumang kostumer na makakakita ng isang pangalan sa mga salitang ito ay maaaring mag-ugnay sa kanila sa mga produktong moda na nakakaakit, matikas at akma para sa Runway. Ang iyong layunin ay gumawa ng listahan ng mga salita at pangalan na pumapasok sa isipan tuwing inaalala mo ang iyong negosyo.

Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan.

Narito ang aking mga ideya matapos ang brainstorming:

Hourglass Jeans

Clover Clothing Co.

Runway Lingerie

Porcelain Apparel

Forester Flannels

Finer Threads

Lil’ Boss Jean Co.

Wicked Stitch

Modernong Moda

Tanked Up Co.

Infinity Sportswear

Adventure Apparel Co.

Redwood Casualwear

Bewitched Boutique

Binibining Kaibig-ibig Clothing

Teen Tops

Ginintuang Gilas

South City Streetwear

Clothina

Attire Allure

#2) MAMILI SA IYONG MGA IDEYA

Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapan alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.

Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:

  • Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
  • Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
  • Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
  • Ang pangalan ba ay naghahatid ng kahulugan?
  • Ang pangalan ba ay walang labis na paggamit ng mga salita at cliches?

Ang Aking Shortlist:

Ginintuang Gilas

Teen Tops

Runway Lingerie

Modernong Paraan

Tinanggal na mga Ideya:

Hourglass Jeans

Clover Clothing Co.

Porcelain Apparel

Forester Flannels

Finer Threads

Lil’ Boss Jean Co.

Wicked Stitch

Tanked Up Co.

Infinity Sportswear

Adventure Apparel Co.

Redwood Casualwear

Bewitched Boutique

Binibining Kaibig-ibig Clothing

South City Streetwear

Clothina

Attire Allure

Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!

#3) HUMINGI NG TUGON

Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na pangalan sa tatak ng damit ay moda at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.

Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:

  • Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
  • Paano mo ito baybayin?

Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo.

Mga Tugon ng Aking Kostumer:

Ginituang Gilas

Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng isang premium na tatak ng moda na hindi lamang ma-estilo ngunit elegante rin.

Teen Tops

Ang mga tugmang salita ay ginagawang hindi malilimutan ang pangalan.

Runway Lingerie

Maiuugnay ng mga kostumer ang tatak na ito sa mga karapat-dapat na produkto ng moda sa Runway.

Modernong Moda

Ang pangalan ay hindi lamang malilimutan ngunit nagbibigay din ng katiyakan na makakakuha ka ng moderno at pusturiyoso.

#4) ALAMIN KUNG ITO AY MAARI PANG GAMITIN

Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan sa tatak ng damit at moda sa iyong listahan, kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na. Maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa Trademark at Pagrerehistro ng Pangalan ng Domain.

Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain

PAGSUSURI SA PANGALAN NG KOMPETITOR

Upang matulungan kang mapag-isipan ang mga potensyal na pangalan ng negosyo, tingnan natin ang tatlong matagumpay na mga negosyo sa damit at paghiwalayin kung bakit at paano nila pinili na pangalanan ang kanilang negosyo at kung bakit ito gumagana para sa kanila.

ASOS Logo

ASOS
‘As Seen on Screen ,’ ay isang digital marketplace para sa mga millennial. Ang kanilang pangalan, pati na rin ang kanilang diskarte sa pagbebenta, ay lubos na nai-target patungo sa pangkat ng edad na ito. Kahit na ang paggamit ng akronim ay magkasingkahulugan sa henerasyon na kanilang tina-target: isipin ang YOLO, FOMO, LMAO, atbp.

Vans Logo

Vans
Ang pangalan ay kasingkahulugan sa skateboarding, ang tatak ay nakapag-ukit ng isang natatanging niche para sa kanilang estilo ng sapatos. Ang pangalan ay simple, agad makikilala at madaling matandaan – isang perpektong kombinasyon.

Forever 21 Logo

Forever 21
Ang salawikain kabataan. Ang pangalang ito ay bumibigkas sa pagkanais ng mga kostumer manatiling mukhang bata at pusturiyoso. Sa pamamagitan ng pagkaengganyo sa kanilang banidad, ang Forever 21 ay nakalikha ng isang kaakit-akit na pangalan.

5 TIPS PARA SA PAGPANGALAN SA TATAK NG DAMIT AT MODA

Ang mainam na pangalan ng negosyo ay dapat na simple, madaling tandaan, at nagpapahiwatig ng kahulugan nang sabay-sabay. Narito ang aking 5 tips na dapat tandaan sa pagbuo ng pangalan ng iyong negosyo.

1. GUMAWA NG PAGSUSURI SA KOMPETITOR

Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:

  • Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
  • Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”.
  • Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?

2. MAGPOKUS SA PAGPA-PANGALAN NG IYONG NEGOSYO, HINDI KUNG PAANO ITO ILALARAWAN.

Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa moda katulad ng pusturiyoso, vogue o chic. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.

Gamitin nating halimbawa ang isang totoong tatak ng damit na negosyo na tinatawag na “Forever 21”. Sa karamihan, ito ay isa lamang ibang tatak ng moda. Gayunpaman, sa mas malalim na antas, sinisiguro ng tatak na ito sa mga kostumer nito na ang mga produktong ipinagbibili ay gagawing mukha o mananatiling bata para sa kanila.

3. PAANO GUMAWA NG PANGALANG MADALING TANDAAN

Ang paggawa ng pangalan ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:

  • Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (Teen Tops, Modernong Paraan)
  • Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (Modi Collections – Modi tulad ng sa Modish na kasingkahulugan para sa pursturiyoso o fashionable)Modish which is a synonym for stylish or fashionable)
  • Panatilihin itong maikli at simple.

4. SUBUKANG BUMILI NG PANGALANG NAGBIBIGAY BRAND

Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng website ay maaaring:

  • Nomo Boutique
  • Alomo Clothing
  • Nivena Apparel

Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com

5. IWASANG PAGSAMAHIN NG MGA SALITA PARA LAMANG BUMUO NG KAKAIBANG PANGALAN

Isa pa sa mga tipikal na kamalian ng mga may-ari ng negosyo ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay pinangalanan ang kaniyang negosyo na Contemporary Apparel at nalaman niyang may nagmamay-ari na nito. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang negosyo, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang ApparelContempo, ContempoApprarel o Contemporel.

Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una.

MGA IDEYA SA PANGALAN NG NEGOSYO

Narito ang tampok na listahan ng mga kaugnay na salitang maaari mong gamitin sa pangalan ng iyong negosyo. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga nauuso, mapaglarawang salita at mga salitang aksyon na madalas na nauugnay.

NAPAPANAHONG MGA SALITA

Narito ang nangungunang mga nagte-trend na salita na ginamit sa mga pangalan sa Tatak ng Damit.

Kasuotan

Amerikano

Pinaka

Blaze

Bughaw

Tatak

Co.

Damit

Koleksyon

Cockpit

Kasuotan

Kondesa

Kulot

Diesel

Pato

Agila

Moda

Magpakailanman

Fox

Bago

Pransya

Ginto

Baril

Grupo

Puso

Burol

JoyMax

Mangga

Makina

Mga Outfitter

Proyekto

Santo

Bituin

Tusok

Studio

HUWAG KALIMUTAN ANG PAGGAMIT NG TAGABUO NG PANGALAN SA TATAK NG DAMIT

GAANO KADALAS INILALAHAD ANG DAMIT

(“______ Damit”)

Halimbawa ng mga pangalan ng label ng damit gamit ang mga kaugnay na salitang naglalarawan ‘TrueShield Protective Outwear’ at ‘The Civilian – Urban Clothing’.

proteksiyon

mainit-init

angkma

masikip

basa

ginawa

mabigat

magsuot

panlabas

sobra

malinis

espesyal

naaangkop

sibilyan

maluwag

tradisyonal

maputi

ayos lang

angkop

ilaw

MGA SALITANG KILOS SA DAMIT

Maaari kang gumamit ng isang pandiwa sa iyong pangalan ng Label ng Damit upang lumikha ng mga pangalan ng negosyo tulad ng ‘WearMe Fashion’ o ‘Supply & Stitch Outfitters’.

binili

bili

kontaminado

tinapon

nagbihis

nagpapakain

paluwagin

tanggalin

nagtitinda

hinubaran

naibigay

punit

hinugasan

nagsusuot

sinuot

DAMIT SA BANYAGANG SALITA

Isaalang-alang ang paggamit ng mga banyagang salita sa pangalan ng iyong negosyo upang magbigay ng impression ng isang pang-internasyonal o kakaibang tatak.

Latin: Indumentis

French: Vêtements

Italian: Capi di abbigliamento

Spanish: Ropa

HUWAG KALIMUTAN NA BIGYANG SUBOK ANG AMING TAGABUO NG PANGALAN SA KUMPANYA NG DAMIT!

Share your business name ideas
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments