Tagabuo ng Pangalan ng Tatak

Bumuo ng ideya ng mga pangalan para sa iyong produkto sa ibaba.

Lumikha ng website nang LIBRE

Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Matuto ng Higit PaMagsimula ng LibreWalang Kinakailangang Credit Card

Mga Premium na pangalan upang i-kickstart ang iyong negosyo

Gawa ng mga eksperto sa branding at mga propesyunal na taga-desenyo.

Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

Paano Makaisip ng isang Pangalan ng Brand

Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa paglikha ng mahusay na Pangalan para sa iyong Tatak!

Ang pagbuo ng isang mahusay na pangalan ng tatak ay higit pa sa pag-iisip ng isang matalino na ideya. Sa artikulong ito tinignan namin ang lahat simula sa Mithiin ng Tatak, Target na Madla, Ninanais na Brand Positioning, at kung paano ang iyong Interes na Demographiko ay makakaapekto sa proseso ng pagpangalan. Aming sinuri kung ano ang tinataglay ng isang mahusay na tatak, tumingin sa ilang halimbawa ng mga mahuhusay na pangalan ng tatak, pag-brainstorm ng mga ideya, at bigyan ka ng inspirasyon sa pangalan ng tatak.

Ang pagpangalan sa tatak ay nangangailangan ng tiyak na halaga ng pananaliksik. Hindi lamang ito dapat nauugnay sa iyong produkto ngunit dapat dala rin nito ang mas malalim na konteksto sa pag-uugnay upang makuha mo ang kahalagahan ng natura ng iyong negosyo. Kailangan itong makilala nang may labis na mensahe ng negosyo, at kailangan na madali itong matandaan. Kapag nakita ng tao ang tatak ito ay dapat mabilis na makikilala at magpapalitaw ng mga positibong emosyonal na tugon.

Mahahalagang bagay na dapat gawin ng pangalan ng tatak:

  • Ito ay dapat na katangi-tangi at nangunguna sa kompetisyon.
  • Ito ay dapat madaling mabigkas, maalala, at makilala.
  • Ito ay dapat nauugnay sa produkto sa ilang paraan, na nag-bibigay ng isang ideya tungkol sa layunin, mga benepisyo at kalidad ng mga produktong ginawa ng kumpanya.

Kapag gumagawa ka ng pangalan ng iyong tatak dapat ay iniisip mo rin kung paano ito masasalin sa ibang lenggwahe. Ito ba ay nasasalin ng maayos at paano nagbabago ang kahulugan nito?

Getting feedback on business name ideas

Paano pangalanan ang iyong brand

Pagdating sa pagbibigay ng pangalan sa iyong tatak ay dapat mong isipin ang higit pa sa pangalan. Isaalang-alang ang iyong mga layunin sa tatak at mga target na madla. Ano ang mahusay na ginagawa ng iyong mga katunggali at paano mo ito magagawa nang mas mahusay?

  1. Magsimula sa pamamagitan ng paglikha ng isang listahan ng mga salitang nauugnay sa labis na pagkakakilanlan ng iyong tatak. Mula sa mga salitang ito isaalang-alang ang mga konotasyon at implikasyon ng bawat isa. Naaangkop ba ang iyong hangarin? Mayroon bang mas mahusay na mga salita, kasingkahulugan, antonym na gagana rin.
  2. Sa sandaling mayroon kang isang malawak na listahan ng mga salita lagyan ng krus ang mga may potensyal na negatibong konotasyon. Pagkatapos ay lagyan rin ng krus ang mga salitang hindi pamilyar, mga mahirap bigkasin. Pagkatapos ay isipin kung paano tatanggapin ang mga termino na iyon sa ibang bansa.
  3. Susunod ay kunin ang iyong mga paborito at lumikha ng isang malawak na listahan ng mga ideya ng pangalan.
  4. I-screen ang listahang ito sa iyong mga layunin sa brand. Huwag kang maghinayang habang nililiitan mo ang listahan. Siguraduhin na ang lahat ng pangalan sa listahan ay naabot ang mga legal na kinakailangan, mga katangi-tangi, at makukuha mo ang lahat ng mga nauugnay sa panlipunan at domain ng web. 
  5. Pagkatapos ay gustuhin mong kunin ang mga natitirang pangalan at alamin kung ano ang naiisip ng ibang tao. Ang pagsasaliksik sa konsumer ay magiging lubos na kapaki-pakinabang sa puntong ito.
  6. Gusto mong isaalang-alang kung paano rin maipapakita ang tatak na ito, anong klase ng marketing ang gagawin mo para makamit ang layunin ng iyong tatak at paano nagiging angkop ito sa pangalan.
  7. Ulitin ang prosesong ito hangga’t mahanap mo ang pangalan na sa tingin mo ay tama. Maaari itong abutin ng linggo o maraming oras. Huwag magmadali, kunin ang opinyon ng ibang tao at kapag ika’y handa na, maaari mo ng irehistro ang pangalan.
Shortlisting business name ideas

Tips sa pagpangalan ng tatak

Ang isang mahusay na tatak ay dapat may kaugnayan, natatangi, at inspirasyonal. Dapat ito ay naglalaman ng mga katangian at kaugnayan sa pagbuo ng kakilanlan ng iyong tatak.

1. Ano ang ginagawa ng iyong tatak?

Gumagawa ang tatak bilang pangako. Sinisigurado nila na ang mga produktong ginawa ng kumpanyang iyon ay gaganap tulad ng inaasahan. Isa itong pangako ng kalidad at disenyo. Gayunpaman, higit pa ito sa mga produkto.

Gumagana ang isang tatak sa pamamagitan ng mga kaugnayan na nagpapabatid ng iba’t ibang uri ng mga katangian. “Ginagamit ng mga tao ang mga tatak upang ikategorya ang kanilang mga pagpipilian”.[1]Ang isang matibay na tatak ay isang paraan upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao kung ano ang sumasalamin at ano ang inaalok nito at sa paglipas ng panahon ang tatak ay pinapadali ang desisyon ng mga tao sa pagbili sa pamamagitan ng magaan na proseso ng pagbili.

“Ang tatak ay ipinapakilala sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng impresyon, isa ay mayroon sa kompanya, sa mga produkto at serbisyo, at pinapatunayan (o sinisira) ng mga karanasan”[1]

Sa isang survey nalaman na “higit sa 50% ng mga kalahok sa survey ang pumili ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng isang partikular na brand[1].

Ang ideyang ito ng tatak ay binuo sa pamamagitan ng asosasyon na naglalarawan sa mga kostumer. Halimbawa, maraming mga konsumer ang nabago ng mga etikal na implikasyon ng pagbili mula sa isang partikular na tatak.

Ang tatak ang mukha, ang nilalarawang katauhan ng isang negosyo, at ang magaling na tatak ay isang bagay na makakonekta sa emosyonal na antas ng mamimili.

2. Isaalang-alang ang kalagayan ng iyong Brand

Ang  kalagayan ng iyong brand  ay ang pinakapangunahing bahagi ng iyong diskarte sa marketing “upang lumikha ng isang mapagkumpitensyang tatak.” [1]

Sa kasalukuyang kapaligiran ng pagtitingi, ang mga konsumer ay nalulula sa mga tatak at produkto[1] kaya tiyakin na nakilala mo ang iyong angkop na lugar, at ipagtanto na ang mga pagkakaparehas at pagkakaiba sa pagitan mo at ng iyong kakomptensya ay napakahalaga kung gusto mo pumatok sa nakakarami at bumuo ng katapatan sa tatak.

Isipin ang tungkol sa iyong angkop na lugar at mga kasalukuyang sikat sa loob nito. Pagkatapos ay isipin ang tungkol sa lahat ng mga asosasyon na kasama ng angkop na lugar. Halimbawa, para sa angkop na organikong pagkain, maaari kang umisip tungkol sa masusustansyang pagkain at sangkap. Tanungin ang sarili, ano ang mga hilig ng target kong madla? At anong uri ng tatak ang kasalukuyang nauugnay sa kanila, at bakit?

Ang brand ng Disney ay isang halimbawa ng napakatalinong pagpoposisyon. Alam na ang kanilang logo ay hindi na mabilang sa pag-uulit, gayon pa man, isang bagay ang nanatiling totoo sa kanilang lahat, sila’y kahanga-hanga at kakatuwa. Pinaisip nila ang mga kamangha-manghang mga animasyon at engkantada. Ang kakaibang likas na artistikong talino na ito ay naglalayon sa mga bata, ngunit ito’y katangi-tangi at malinaw ang pagkakakilanlan na nagbibigay kaisipan sa mga mas matandang henerasyon na bumalik sa ala-ala ng pagkabata. Maayos din nitong na-highlight ang kanilang tukoy na angkop na lugar – animasyon. Kung halimbawa, lumikha sila ng isang logo na mas malala, batay lamang sa mapurol na palalimbagan, mas mahihirapan sana sila na maabot ang kanilang target na madla at kumuha ng isang emosyonal na tugon sa parehong paraan.

3. Saisip ang pagkakilanlan ng iyong brand

Sa maikling salita, ang pagkakakilanlan ng iyong tatak ay kung paano nakikilala ng organisasyon ang sarili nito. Ito ay katangi-tanging kakilanlan na binuo ng mga samahan na ini-highlight ang tanyag na katangian at pagkakaiba ng brand. Ang pagkakilanlan sa brand ay dapat na lubos na maiuugnay tulad ng pagkahanap dito“.[2]

Ang pagkakakilanlan ng tatak ay ang paraan ng isang organisasyon kung paano nila nais na mapaghihinalaan sa merkado. Maaaring ito ang kanilang kalidad, o marahil ito ay nakikilala sa isang mahalagang kawanggawa.

Ang tatak na Descended mula sa Odin, halimbawa, ay isang maliit na tatak ng damit na bumuo ng isang pagkakakilanlan sa pagka-unawa ng Vikings bilang malakas. Ito ang makakapag tanyag ng kanilang sportswear sa isang mapagkumpitensyang pamilihan. Nabuo nila ang ganitong pang-unawa sa pamamagitan ng kanilang pangalan, at suportado ito sa pamamagitan ng isang matalinong kampanya sa marketing na kinasasangkutan ng mga kinatawan ng tatak na mataas ang profile. Ang isang halimbawa ay si Ben Mudge, isang personal na tagapagsanay na isang inspirasyon sa pakikipaglaban sa kanyang kalagayan na Cystic Fibrosis. Ang kasunod na samahan ay isang tatak na pagkakakilanlan ng lakas sa harap ng kahirapan.

Kapag  ika’y nag-iisip para sa sariling pagkakilanlan ng iyong tatak, kailangan mo isaalang-alang ang numero ng mga bagay. Saan mo ninanais ang iyong tatak sa loob ng 5 tao (o kahit 10) taon? Isaalang-alang ang kultura ng tatak hindi lamang sa marketing ngunit sa lugar ng trabaho. Makakatulong ito sa pagpili ng iyong tono, kalagayan ng tatak at mga relasyon.

Isaalang-alang kung paano mo mailalarawan ang lahat ng mga ideyang ito na bumubuo ng pagkakakilanlan sa iyong tatak sa pamamagitan ng mga asosasyon, pagbibigay ng kaalaman sa konsumer at pagkakaiba sa iyong mga kakumpitensya.

Ang isang matibay na kakilanlan ng tatak ay dapat binubuo ng lahat ng nais ipahiwatig ng iyong tatak at hindi lamang sa pangalan, ngunit kasama ang pagkakilala sa kulay ng iyong trademark, logo, at tagline.

4. MAGPLANO NG IMAHE PARA SA IYONG BRAND

Ang imahe ng tatak ay nakaupo sa mga mamimili, ito ang kanilang pang-unawa sa tatak at kung ano ang ibig sabihin nito. Katulad ng ng isang imahe ng tatak na nilikha nang higit pa sa isang pangalan o isang logo. Tatlong mga pangunahing bagay na dapat mong isaalang-alang kapag napagtanto ang isang imahe ng tatak:

  1. Ang Logo
  2. Pagbalangkas ng maikling slogan at pagsuporta sa mga pangunahing katangian ng tatak
  3. Biswal na pagkakilanlan: Ito ay dapat na nakakapukaw ng interes, nakakaengganyo, madaling maalala, katangi-tangi, at higit sa lahat ay pare-pareho sa lahat ng marketing sa pagbuo ng imahe ng iyong tatak at pagkakakilanlan.

Sa pagitan ng tatlong bagay na ito, ang tatak ay dapat madaling makilala at ang kahalagahan ng tatak, kalagayan ng tatak, at ang kakilanlan ng brand ay dapat na nagpapahiwatig.

“Mga katangian ng tatak na madaling makilala, ngunit hindi nagpapahiwatig ng simblo ng brand at ng benepisyo sa pagpapatakbo o hindi nagbibigay ng magandang kasiyahan, ay bigo na samantalahin ang buong potensyal nila.”[3] Ang puntong tinatalakay nila dito ay ang isang malakas na imahe ng tatak ay dapat na ipares sa may layunin.

Ang imahe ng tatak para sa Disney, billang halimbawa, ay tungkol sa kasiyahan, ngunit mayroon din itong pamana. Ang imahe ng tatak para sa Apple ay katangi-tangi at inobatibong produkto.

5. Ibalangkas ang iyong personalidad ng iyong tatak

Ang personalidad ng iyong tatak ay ang tono ng boses, ang mukha ng tao, ang mga kaugnay na anthropomorphic na nagpapasigla ng isang tugon ng emosyonal. “Creating emotional brand attachment is a key branding issue in today’s marketing world. One way to accomplish this is to match the brand’s personality with the consumer’s self.”[4]

Dyson bilang halimbawa, ay isang inobatibo, pang-agham, at matalinong paraan sa paggawa at pagmamanupaktura ng vacuum cleaners. Kumuha sila ng panget na bagay na pang-araw-araw at sa pamamagitan ng kanilang branding binigyan ito ng pagkatao at talino, at gusto natin ito bilang mga mamimili.

Henry Hoovers ay isa pang halimbawa ng Vacuum cleaner. Binigyan nila ng pangalang makatao ang kanilang vacuum, at ng literal na mukha. Pinapahintulot nito sa mga tao na makakonekta sa kanilang tatak sa mas malalim na antas. Ginagawa nilang mas madaling maalala ang tatak at muli ay makagawa ng isang panget na kasangkapan sa bahay, pero nakakatuwa.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng imahe ng brand at personalidad ng brand ay sa paggawa nito sa pisikat, tunay na mga benepisyo, at kaugnayan ng tatak kung saan ang personalidad nito ay higit na nagpapahiwatig emosyonal na tugon.

Sanggunian
  1. Chovanová, H.H., Ivanovich A., & Babčanová, D.  (2015) “Impact of Brand on Consumer Behavior” Procedia Economics and Finance, Vol. 34,  pp. 615-621: https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2212567115016767
  2. Escalas, J.E. (2004a), “Imagine yourself in the product: mental simulation, narrative transportation, and persuasion”, Journal of Advertising, Vol. 33 No. 2, pp. 37-48: http://www.jstor.org/stable/4189256
  3. Jeon, J.E., (2017) “The impact of brand concept on brand equity” Pacific Journal of Innovation and Entrepreneurship Vol. 11 No. 2, 2017 pp. 233-245: https://www.emeraldinsight.com/doi/pdfplus/10.1108/APJIE-08-2017-030
  4. Malär, L., Krohmer, H., Hoyer, W.D. and Nyffenegger, B. (2011), “Emotional brand attachment and brand personality: the relative importance of the actual and the ideal self”, Journal of Marketing, Vol. 75 No. 4, pp. 35 – 52:  https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1057740805700954
Checking business name availability

Pagsusuri ng pangalan ng tatak

Dito ay inisa-isa ko ang ilan sa mga nangungunang tatak sa buong mundo, at upang tulungan ka na maunawaan kung paano nila ipinatupad ang mga tip at mga hakbang sa nabanggit sa naunang seksyon.

Google

Ang Google ang isa sa mga pinakamalalaking pangalan. Ang pangalan nito ay talagang nakuha sa isang medyo maling babay na salitang Googol. Ang googol ay ang pangalawa sa pinakamalaking numero: 1 x 10^100. Pinili nilang pangalanan  itong google habang naghahanap sila ng isang salita na maaaring tumpak na kumakatawan sa kung ano ang mahalagang pinakamalaking mapagkukunan ng data. Matapos makita ang maling pagbaybay na ‘Google’ ay natigil ito.

Disney

Ang Disney ay ipinangalan sa nagtatag nito na si Walt Disney. Mahalagang tandaan na ang pangalang Disney ay isang hindi isang pangkaraniwang pangalan na nagpapakilala bilang isang tatak. Ang kahulugan at personalidad nito ay  naging katulad sa pag kaaliwan. Sa mga nagdaang taon ang studio ay katiwa-tiwalang gumawa ng mataas na kalidad ng animasyon, pagtulak sa mga hangganan at pag-eksperimento sa teknolohiya, pagkuha sa Disney Studios sa mga nangungunang industriya ng kaaliwan. Ang tatak ay pangako na ngayon, na itinayo sa pamana, nakasalalay sa isang pangalan, may kalidad, mataas na pamantayan, at orihinal na kaaliwan.

verizon-businessnamegenerator

Verizon

Verizonay pinagsamang dalawang pangalan. Una ay isang salitang Latin na ‘veritas’, na ang ibig sabihin ay katotohanan, at ang pangalawa, Horizon. Ang paghahalo sa mga pangalang ito ay isang malakas na pahayag ng tatak para sa kompanyang telecommunications. Minumungkahi ng Horizon ay karangalan, at laki ng kompanya, ang veritas ay nagpapahiwatig na ang tatak ay mapagkakatiwalaan at ang Latin ay nagbigay ng kaunting kasyosyalan sa pangalan. Ang resulta ay isang madaling maalala na salita na ganap na natatangi at medyo malakas

Lululemon

Lululemon -Ang mga lalaki sa Lululemon ay gumawa ng bagay na medyo kakaiba sa paggawa nila ng kanilang tatak. Ang kanilang orihinal na naisip ay gumawa ng isang bagay na makakaapela sa merkado ng Hapon sa pagiging mahirap itong bigkasin. Naisip na dahil ang ponemang ‘L’ ay hindi umiiral sa alpabetong Hapon ang tatak ay lilitaw na tunay na Hilagang Amerikano at sisikat ito. Kapansin-pansin na ang alliteration ng ‘Ls’ ay talagang ginawa itong isang masayang salita na sasabihin sa wikang Ingles na tumutulong sa tatak na makakuha ng isang solidong sumusunod sa Kanluran.

Nike

Ang Nike ay dumaan sa maraming pagsasaayos bago tuluyang maging brand na alam natin ngayon, na nagpapakita lamang kung gaano kahirap magpangalan ng isang tatak. Orihinal na nais ng tagatatag na sina Bill Bowerman at Phil Knight na tawagin ang kumpanya na ‘Dimensyon 6’. Hindi nito nakuha ang kasalukuyang pangalan nito hanggang sa ‘71. Ang Nike ay diyosa ng Grigeyo sa Tagumpay. Mabilis mong makikita kung paano naging perpekto ang brand ng sportswear na ito. Sa madaling salita, madaling matandaan, at literal na ibig sabihin ay tagumpay sa lahat ng nagsusuot nito. Ang pinakakilalang Nike tick, o swoosh, ay isang pagtatangka upang ipahiwatig ang paggalaw sa disenyo.

Amazon Logo

Amazon

Jeff Bezos, noong ‘95 ay nais niyang pangalanan ang kanyang delivery service na Cadabra. Subalit, napaniwala sya na sa huli ito ay malayong pakinggan katulad  ng cadaver. Kaya upang maiwasan ang mga negatibong konotasyon ay pumunta sila sa Amazon, ang pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit nila ito pinili ay ang mga ilog , tubig sa pangkalahatan, ayon sa kaugalian ito ang pinaka mahusay na paraan upang magdala ng mga kalakal.

Generating business name ideas

Inspirasyon sa pangalan ng band

Dito, gumawa ako ng ilang pangalan ng tatak para sa iba’t-ibang industriya upag bigyan ka ng mga ideya kung paano kumikilos ang trabaho.

  • Edge Technologies: Ang simpleng pangalan tulad ng edge ay madaling mataandaan at may malinaw na konotasyon sa mga industriya ng teknolohiya. Ito ay isang pahayag ng makabagong inobatibong produkto na mayroong lamang sa mga kakompetensiya. Gayunpaman, hindi ito buong katangi-tangi sapagkat maraming produkto ang Samsung na may mataas ang profile  – katulad ng Galaxy Edge – na nasa bilihan na. Ang pagkakaiba-iba nito ay maaaring maging isang kagiliw-giliw na lugar upang magsimula.
  • Daemon: Ito ay isang kagiliw-giliw na salita. Sa mitolohiyang Griyego nangangahulugan ito ng panloob na diwa o puwersa sa paggabay. Sa teknolohiya, ito ay isang subprogram na tumatakbo bilang isang proseso sa background, sa halip na nasa ilalim ng direktang kontrol ng isang interactive na gumagamit. Dahil sa kasaganaan ng kahulugan nito, naging tanyag bilang isang pangalan.
  • Paramore: Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng parametro ng mga salita at iba pa, ikaw ay nagmumungkahi ng pagpapalawak ng saklaw ng mga posibilidad. Bukod dito, ang isang paramour ay isang mahal sa buhay, na nagdaragdag ng mga implikasyon ng pagiging malapit sa pagkakakilanlan ng tatak.
  • Blended Flavours: Isang direktang pangalan para sa nesgosyo na pagkain Ang mga pinaghalong lasa ay may mga positibong konotasyon sa katangi-tangi at bagong mga lasa.
  • Bubblicious: Pagsasama ng bula at masarap. Ito’y gumagawa ng isang kawili-wiling pangalan para sa kompanya ng inuming mabula na nakatuon sa mga bata. Subalit, ang pagiging bata sa katangian ng pangalan ay nililimitahan ang mga posibilidad sa kanyang linya.
  • Activate: Buhayin, aktibo. Bilang isang pangalang pang-isports, ito ay kumikilos bilang utos na tila sinasabi sa mga tao na buhayin ang kanilang pampalakasan. Nagbubukas ito ng mga mahihirap na posibilidad sa linya ng magketing sa paligid ng ideya ng mga taong nakakamit ang kanilang mga layunin.
  • Sword and Shield: Ito ay gumagana bilang isang isang brand na pang-isports para sa mga lalaki. Sumangguni ito sa mga lumang sandata na ngayon ay niroromanitiko na natin sa kasalukuyan.
    Eros: Ang diyos ng mga Romano sa Pag-ibig. Para sa brand na pampaganda, ang pangalang ito ay nangungusap direkta sa hinahangad ng mga kostumer.
  • Mi Amor: Ito ay pagpapalawak sa ideya ni eros, na naiisalin sa Aking Mahal. Ito ay mapagkanya at nagiging isang utos. Muli, bilang isang brand ng pampaganda, ito ay nangungusap sa mga ninanais ng mga kostumer.
  • Advocate: Ang isang tagapagtaguyod ay isang kaibigan at tagatangkilik. Bilang isang brand ng damit ito ay nagpapahiwatig bilang isang nakakawiling mensahe. Ang mga damit ba ang tataguyod sayo, sinusuportahan ang iyong gusto sa moda? O ikaw ang nagtataguyod para sa brand? Sa pamamagitan ng paggawa ng dalawang paraan, nabibilang ang kostumer sa iyong brand sa mas malalim na antas.
Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

Pangwakas na mga bagay na dapat tandaan sa pagpangalan ng iyong brand!

Marami kaming nasaklaw na basehan, at nagbigay ng iilang mga ideya na makakatulong sa iyo at sa patuloy na pagsaalang-alang ng tatak, at kung nabasa mo ito hanggang dito, inaasahan ko na ang artikulong ito ay nakatulong sa iyo na makakuha kahit isang hakbang palapit sa perperktong pangalan ng brand!

Kung wala kang ibang tatanggalin sa iyo, unawain na ang iyong tatak ay binubuo ng higit pa sa pangalan. Ang pangalan ay panimulang punto lamang. Ito ay nakabatay kung saan mo binubuo ang iyong pagkakakilanlan sa tatak. Ang pangalan ng iyong tatak ay kailangang konektado sa antas ng emosyonal ng iyong madla. Ito ay dapat na katangi-tangi, madaling matandaan, at malinaw na paghahayag ng personalidad at mensahe sa likod ng iyong branding.

Subukang huwag higpitan ang iyong sarili sa isang tiyak na pangalan kaugnay sa produkto o lugar, ngunit sa halip ay mag-isip ng mga terminolohiya sa pagbuo ng mga positibong nauugnay. Iwasan ang hindi sensitibo o hindi nakakaakit na mga pangalan o pangalang mahirap bigkasin. Sa wakas, alalahanin na isaalang-alang kung paano ang pangalan ng iyong tatak ay masasalin sa mga pandayuhang lengguwahe, dahil ayaw mo na ang pangalan ng iyong tatak ay maging hadlang sa mga pandaigdigang lugar ng pamilihan.

Share your business name ideas
guest
0 Comments