Tagabuo ng Pangalan

Bumuo ng ideya ng mga pangalan para sa iyong produkto sa ibaba.

Lumikha ng website nang LIBRE

Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Matuto ng Higit PaMagsimula ng LibreWalang Kinakailangang Credit Card

Mga Premium na pangalan upang i-kickstart ang iyong negosyo

Gawa ng mga eksperto sa branding at mga propesyunal na taga-disenyo.

Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

paano gumawa ng mahusay na pangalan ng podcast

Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa paglikha ng mahusay na pangalan para sa iyong Podcast!

Hindi na sinasabi na ang isang hindi magandang pinangalanan sa Podcast ay mahihirapan na makakuha at makatawag pansin sa bagong mga tagapakinig at sa isang mapagkumpitensyang pananaw, ang pangalan ng iyong Podcast ay ang unang touch-point upang ang iyong podcast ay makahikayat ng mga bagong tagapakinig.

Sa gabay na ito,  matututunan mo ang lahat ng tips at mga trick na ginagamit ng mga eksperto sa branding sa pagpangalan ng mga Podcast. Gagawa rin ako ng isang pagsusuri sa mga tunay na pangalan ng Podcast upang matulungan kang maunawaan kung bakit gumagana nang maayos ang pangalan para sa kanila!

Apat na Hakbang sa Pagpapangalan ng iyong podcast

Habang ikaw ay may ilang mga bagay na gustong ikonsidera sa pagpapangalan ng iyong podcast, narito ang aking tatlong pinaka-importanteng tips.

1. Lumikha ng tono at personalidad sa pangalan ng iyong podcast

Kapag tila may isang podcast sa bawat industriya o paksa sa internet, ang paglikha ng isang natatangi, kawili-wili at hindi malilimutang pangalan ng Podcast Show ay maaaring maging isang mahirap na gawain. Ang magandang pagkakataon upang simulan ang proseso ng pagpangalan ay sa pamamagitan ng tuwirang pagtukoy sa pinaka-importante, nilalaman, mga paksa o impormasyong itatanghal ng iyong podcast at ang paggamit ng mga salitang kukuha sa mga ideyang iyon.

Halimbawa, kung lumilikha ka ng isang nakakatuwang palabas na ang usapan ay tungkol sa astrophysics na ang pagtatakda ng tono at personalidad sa pangalan ng iyong podcast ay makakatulong sa iyo upang makaakit ng tamang uri ng madla.

Ang ilang mga pangalan ng podcast na nagpapahiwatig ng isang nakakatuwa at nakakaaliw na tono ay maaaring maging: “Astro-World Daily” o “To Infinity & Beyond!” (Gayundin, Batay sa Kwento ng Laruan kung ang iyong podcast ay naka-pokus sa pambata/edukasyonal).

Sa kaibahan, kung ang iyong podcast ay isang mas mataas na antas na pang-edukasyon sa astrophysics show, maaaring ipahayag ang mga pangalan na: “Cosmic Engine” or “Galileo’s Galaxy”

Generating business name ideas

2. maging kaakit-akit at nauugnay sa mga nais mong tagapakinig

Sa pagbuo ng mga ideya ng pangalan ng iyong Podcast, mahalagang gagawa ka ng isang pangalan para sa mga tinatarget mong maging taga-subaybay. Tanungin mo ang iyong sarili gaya ng:

  • Ano ang kanilang mga interes?
  • Bakit kailangan nilang makinig sa palabas mo?
  • Ano ang meron sa pangalan ng iyong palabas, ito ba ay nakakainteres o may kaugnayan sa kanila?

Sa pamamagitan ng iyong pangalan, marami kang salita na maipapahayag kung tungkol saan ang iyong podcast at/o mapukaw ang kanilang interes. Upang makatulong sa malikhaing proseso, isulat at maglista ng mga keywords o salita na nauugnay sa industriya ng iyong podcast, gumawa ng shortlist ng mga tanyag na mga pangalan at siguraduhing humingi ng saloobin sa mga nais mong maging tagapakinig.

3. magkaroon ng panahon sa pangalan ng podcast

Para sa balita, pang-edukasyon o pag-uusap na mga podcast, mas mahusay na gumamit ng pangalan na tumutukoy sa haba at bilis ng iyong podcast. Ito ay isang mahusay na paraan para makapukaw ang madla na may limitadong oras o naghahanap ng isang buong-mahabang podcast. Ilang halimbawa dito ay makikita sa mga usong podcast katulad ng mga:

  • Dissect – Dissect ay isang pang-musikang podcast kung saan ang host ay iniisa-isa ang theorya ng musikal at mga inspirasyon sa likod ng sikat na kanta. Ang isang tipikal na haba ng yugto ay 45 minuto hanggang isang oras, gamit ang salitang ‘Dissect’ ay naghahatid ng mga malalalim na palabas at nagbibigay ng mga maayos na mga ideya.
  • This Week in Tech – Isang mas prankang pangalan ng podcast, ang palabas na ito ay ipinapaalam sa madla kung ano mismo ang maari nilang asahan at kung ano ang tungkol dito.
  • Murder Minute – Na may isang karaniwang haba ng 30 minuto, ang podcast na ito ay ginawa para sa mga madla na nasa isang maikling paglalakbay o nagnanais ng mabilisang drama tungkol sa totoong krimen.
Shortlisting business name ideas
Checking business name availability

4. Tukuyin kung maaari pang gamitin ang domain!

Ang tipikal na suliranin ng karamihan na nagsisimula pa lamang sa podcast ay ang pagkabigo na maingatan ang pangalan ng kanilang website/domain para sa kanilang palabas. Habang gumagawa ng isang matibay at lumalagong tagasunod ang iyong podcast ay nais mo na sila’y iderekta sa kahit anong marchandise na inaalok ng iyong show. Sa pamamagitan ng pag-iingat ng eksaktong pangalan ng iyong podcast (.com ay palaging madaling matandaan), makokontrol mo ang dami ng mga tagapakinig na pumupunta sa maling website o hindi mahanap ang iyong podcast dahil ito ay isang ganap na magkaiba at hindi nauugnay sa pangalan ng domain.

Suriin kung ang Domain ay Magagamit pa.

Pagsusuri ng pangalan ng PODCAST

Upang matulungan ka sa pag-brainstorm ng potensyal na pangalan ng negosyo, ating tignan ang tatlong matagumpay na negosyo sa podcast at isa-isahin kung bakit at paano nila pinili ang pangalan ng kanilang negosyo, at bakit ito gumagana para sa kanila.

Pod Save America Logo | BusinessNameGenerator.com

POD SAVE AMERICA

Pod Save America ay isang podcast ng balita na tumutukoy sa mga kasalukuyang usaping pampulitika sa US. Naglalaro ang mga pangalan sa pariralang ‘God Save America’, ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng satirikal na paraan habang ipinapakita rin na ito’y tumatalakay sa mga seryosong paksa.

Philosophize This Logo | BusinessNameGenerator.com

PHILOSOPHIZE THIS!

Ito ay isang podcast ng pilosopiya na naghahayag ng mga ideyang pilosopiko sa mas malaking madla. Ang bantas sa pangalan ay mahalaga sapagkat ang pilosopiya ay ayon sa kaugalian isang napaka-tuyong paksa at ang pangalan, na may bantas ng tandang padamdam ay nagpapakita na mayroong magaang damdamin ang podcast na ito.

No Such Thing As Fish Logo | BusinessNameGenerator.com

NO SUCH THING AS FISH

No Such Thing as a Fish ay isang lingguhang serye na British podcast na ginawa at ipinakilala ng mga mananaliksik sa likod ng BBC Two panel game QI. Ang mga usapin ay kakaibang katotohanan at bagay-bagay tulad ng naitatampok sa palabas na QI. Ang pangalan na ito ay hindi gaanong naglalarawan, at hindi mo malalaman agad kung tungkol saan ang palabas. Subalit, inaagaw nito ang iyong pansin at nauusisa ka para ito’y malaman. Kapag nalaman mo na ay magkakaroon ito ng perpektong katuturan.

TheGuiltyFemenist Logo | BusinessNameGenerator.com

THE GUILTY FEMINIST

Muli isang napaka naglalarawang pangalan. Ito ay isang peministang Podcast na komedya na nagtatalakay sa mga hipokrito at dobleng pamantayan sa pang-araw-araw na buhay. Ang bawat yugto ay nagsisimula sa mga maiikling kwento na sinisimulan sa ‘Ako ay isang peminista ngunit…’

MyDadWroteaPorno Logo | BusinessNameGenerator.com

Sumulat ang aking ama ng PORNO

Hindi lamang nakaka-aresto ang ganitong paksa. Literal na ang taga-Britanya na podcast host, si Jamie Morton, ang nagbabasa ng mga kabanata ng mga erotikang nobela ng kanyang ama. Ito ay Podcast na tumutukoy sa komedya na nagpapagaan sa puso, ito’y dapat na libangan at nakakapukaw, kung saan ito ang tinutukoy sa paksa.

inspirasyon sa pangalan ng PODCAST

Nasa ibaba ang ilan sa mga ideya ng mga pangalan ng ibat-ibang podcast na aking naiisip. Dito ay makikita mo ang aking proseso at kung paano ko nakagawa ng pangalan.

Pagdating sa paghahanap ng perpektong pangalan para sa iyong Podcast magsimula sa pamamagitan ng pagkuha ng isang panulat at papel (oo, papel!) at isulat ang bawat salita na naiisip mong nauugnay sa iyong paksa. Pagkatapos ay kunin ang listahan ng mga keywords at gumawa ng konklusyon. Siyasatin ang mga ideya, mga sikat at mga tema na pumapalibot sa kaibuturan ng iyong Podcast. Gumamit ng thesaurus, at idyomang diksyonaryo.

Subukang gamitin ang aming tagabuo ng pangalan ng Podcast upang agad at madaling makabuo ng mga libong ideya ng panagalan na nakabase sa mga keywords na iyong nakuha mula sa iyong brainstorming na sesyon. Ito rin ay, napaka galing, suriin kung maaari pang magamit ang domain nang sabay (tignan rin ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Domain.

Kapag nakaisip ka ng isang malawak na hanay ng mga salita maging malikhain at simulang pagsamahin sila. Sa yugtong ito walang ideya na di magandang ideya (marahil ang iba). Susunod ay linisin ang listahan ng mga potensyal na pangalan. Mauunawaan ba ng target mong madala ang mga sanggunian, mat katuturan ba ito? Ito ba ay malinaw kung tungkol saan ang iyong Podcast?

Upang matulungan kang makapagsimula gumawa kami ng isang maikling listahan ng mga pangalan ng podcast na kami ang lumikha:

  1. Understanding Crypto: Ito ay isang pangalan ng impormatibong podcast sa cryptocurrency. Ang Cryptocurrency ay kasalukuyang sikat na paksa, na may napakalaking pagbabago-bago sa halaga ng pera, gayunpaman ito ay isang bagay na hindi lubos na nauunawaan ng maraming tao. Pagpapanatili ng maiksing malinaw na pangalan at impormatibo nagpapahintulot sa mga tao na madaling mahanap at malaman kung tungkol saan ang podcast, at mag-apela sa partikular na target na demograpiko.
  2. Alien Investigators: Pwede itong magtungo sa maraming paraan. At tulad ng isang pangalan, maaari itong hindi angkop para sa iilan. Maaari itong maging isang podcast tungkol sa mga alien na teorya ng pagsasabwatan kung saan kilala sa iba, o kaya ito rin ay maaaring magaan sa puso na podcast tungkol sa siyensya na tumutuklas ng mga kalikasan at posibilidad ng buhay sa labas ng planeta.
  3. Fantastical Tales: Isang podcast tungkol sa mga kwento. Ang salitang kamangha-mangha ay nagpapahiwatig ng hindi kapani-paniwalang pantasya, habang ang mga kwento ay isang paglalarawan ng nilalaman. Ang isang mas malikhaing pangalan ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa ganitong uri ng Podcast.
  4. When The Robots Come: Pagsiyasat ng mga ideya ng mabilis na pagsulong ng teknolohiya. Ang pamagat na ito ay tumutukoy sa mga ideya sa paligid ng mga takot ng tao sa kalaban na mga robot kung saan ay uso sa mga tanyag na panitikan at pelikula tulad ng Terminator.
  5. Natural Progression: Katanungan kung paano nagbabago ang sangkatauhan at hinuhubog ang natural na kaunlaran ng mundo. Ang title na ito ay sadyang hindi ganoon kalinaw upang ipakita na magkakaroon ng isang kawili-wiling bagong anggulo sa paksa.
  6. This Blue Planet: Pagsiyasat sa mga ideya sa ilang mga planeta sa pinaka-hindi-kapanipaniwalang natural na mga tampok. Ang tunog ng pangalan ay parang isang dokumentaryo. Ito ay magbibigay ng impormatibong palabas tungkol sa kapaligran at halatang itinataguyod ang paglunsad ng ‘berde’ na pamumuhay.
  7. Greatest Athletes: This is an easy and informative show title around history’s greatest athletes. This would appeal to a specific niche. The obvious understandable title would help it gain new dedicated listeners.
  8. By The Moons of Jupiter: Pagtuklas sa mga kwento ng kathang-isip na agham at panitikan.
  9. Odin’s Beard: Pagsiyasat sa metolohiya ng Norse. Ang mito at alamat ay isang tanyag na paksa. Ang sanggunian sa Odin’s beard ay nililinaw na hindi ito isang seryosong pagsusuri at apila sa isang demograpikong lalaki.
  10. Nonsense What Dreams are Made of: Isang palabas sa komedya na tinutuklas ang kahulugan sa likod ng mga pangarap. Ang pamagat ay sadyang mali ang grammar upang ilahad ang kalokohan ng palabas. Ito ay isang nakakaakit na paksa at malinaw na binabalangkas ng pamagat kung ano ang tungkol sa palabas.

dapat bang gamitin ang tunay na pangalan sa pagpo-podcast o pwede ang paLayaw?

Ang tanong na ito ay karaniwang tinatanong ng mga taong baguhan pa lamang sa podcast kung dapat ba o hindi sila dapat magsimula gamit ang kanilang tunay na pangalan. Habang mayroong parehas na panganib at benepisyo sa isa’t-isa, narito ang aming payo sa pag-iisip ng persona mo sa pag-podcast:

Mga hindi magandang dulot sa paggamit ng iyong Palayaw

  1. Lahat ng ginagawa mo sa online ay konektado sayo—habang buhay. Ito’y posibleng makasakit kapag nag-aapply sa isang trabaho, ngunit kung ito’y nagawa ng tama ay dapat itong maging malaking tulong. Tiyaking nag-iingat ka sa kung ano ang naiugnay mo sa iyong totoong pagkakakilanlan.
  2. Ang iyong totoong pangalan ay maaaring masyadong mahaba, mahirap baybayin. Maaaring nakuha na ito sa online, o halos kaparehas sa ibang tao. Nakakabigo ito sa maraming tao. Ngunit may mga paraan para dito. Maging malikhain at tiyaking hindi mo nililimitahan ang iyong mga potensyal na paksa sa podcast. Balang araw baka gusto mong baguhin ang mga paksa, o mas palawakin.
  3. Ang iyong totoong pangalan ay maaaring maka-kompromiso sa iyong pagkapribado. Isa sa mga pinakamalaking alalahanin sa online ay tungkol sa kaligtasan. Ito ay isang tunay na alalahanin. Pwede kang gumawa ng ilang pag-iingat gayunpaman upang makatulong sa pagpapanatili ng iyong kaligtasan online, halimbawa tulad ng pagkuha ng isang PO Box at hindi kailanman maibabahagi ang anumang impormasyon na maaaring ipakita ang iyong lokasyon.

Mga hindi magandang dulot sa paggamit ng iyong Palayaw

  1. Maaaring hindi ka seryosohin. Isipin na sinusubukang pag-usapan ang isang kasalukuyang isyu na seryoso na kamakailan-lamang nababalita, ngunit kilala ka lamang bilang ‘That Cat Lady’. Ang pagkakaroon ng isang ‘nakatutuwa’ na pangalan ay maaaring makapinsala sa iyong kredibilidad at nililimitahan ang iyong posibleng paksa.
  2. Maaari kang magsisi sa iyong desisyon pagkatapos. Pagdating sa pagbuo ng isang personal na tatak, kailangan mong gamitin ang iyong totoong pangalan. Ang iyong totoong pangalan ay may kredibilidad at katotohanan at maaari kang maalis mula doon sa palayaw.
  3. Maaari kang magkaroon ng mga komplikasyon na may maraming pagkakakilanlan. Kung ang gamit mo sa online ay isang palayaw, ano ang tawag sa iyo kapag pumunta ka sa mga pangyayari na personal tulad ng mga kumperensya at pagkikita. Paano kung maglulunsad ka ng isang negosyo na nauugnay sa iyong podcast? Kailangan mong mabuhay sa isang patuloy na “kasinungalingan” kung gagamit ka ng iba maliban sa iyong tunay na pangalan.

dapat mo bang pangalanan ang iyong blog at podcast ng pareho?

Magkasabay ang podcast at ang blog. Ang iyong Podcast ay makikinabang ng malaki kung hahaluan mo ito ng mabisang pag-blog. Sumulat kami ng gabay sa pagbibigay ng pangalan sa iyong blog at gumawa ng tagabuo ng pangalan ng blog maaaring tignan ito para sa karagdagang tulong.

Ang pagpapanatiling pareho ng iyong tatak sa iyong blog at podcast ay ganap na makakatulong sa iyo ng pangmatagalan. At ang pagkakaroon ng parehas na pangalan sa mga ito ay makakatulong sa iyong mga tagapakinig na mahanap ang iyong blog online.

Sa iyong blog maaari kang mag-lathala ng mga tala ng palabas, balangkas kung tungkol saan ang podcast, at ibahagi ang anumang mga mapagkukunan na iyong isinangguni sa palabas para sa mga interesadong tagapakinig.

Higit sa blogging na ito ay may isang mahusay na paraan upang makita ang iyong palabas. Sapagkat ang Podcast ay tunog lamang, ang pag-optomize ng kanilang kakayahan na makita sa hanapang makina katulad ng Google ay medyo mahirap. Mayroon kang pangalan ng Podcast, pangalan ng yugto, at siguro, kung ito ay nailathala sa itunes halimbawa, isang maikling paglalarawan. Ang pagsulat ng isang blog sa paligid ng bawat yugto ay hindi lamang para magdagdag ng mahalagang karagdagang impormasyon, ngunit gawin ang iyong podcast na higit na mahahanap sa online.

Ano ang maaaring gawin kung nakuha na ang pangalan ng iyong podcast?

Nakaisip ka ng isang mahusay na pangalan. Ngunit pagkatapos ng isang mabilisang paghahanap sa internet ay tila may isang taong nagkaroon na ng ideyang yaon. Ano ang pwede mong gawin?

  • Una sa lahat, alamin kung aktibo parin ang kanilang podcast. Kung matagal na silang hindi nag-post ng anumang bagay ay makipag-ugnayan sa kanila at tingnan kung papayagan ka nilang kunin ito. Kung sasabihin nilang hindi, o malinaw na aktibo parin nilang ginagamit ang pangalan ng kanilang podcast, huwag kang mag-alala, ito ay maaari talagang maging isang magandang bagay, hindi mo kinakailangang bumalik sa pinakaumpisa.
  • Ano ang pangunahing mensahe sa likod ng iyong pangalan? May mga salita ba na maaari mong ipalit? Gumamit ng thesaurus at hanapin ang mga kasingkahulugan nito.
  • Tandaan na nais mong maging orihinal ang iyong pangalan. Kung, sino ang nauna sa pangalan mo, ay may isang podcast na sumasaklaw sa katulad na paksa, hindi mo nais na makilala ang iyong pangalan tulad ng sa kanila. Para kang magmumukhang mababang nanggagaya, mas magaling man o hindi ang iyong palabas, sila ang nauna.

mababago mo pa kaya ang pangalan ng iyong podcast?

Minsan ay kailangan mong baguhin ang iyong pangalan sa susunod na mga araw. Siguro ang iyong Podcast ay nagbago at sa tingin mo ay hindi na nauugnay ang iyong paksa, o marahil ay masyado nang mahigpit.

Tiyak na mababago mo ang iyong pangalan sa anomang punto. Subalit, hindi mo tunay na maaasahan na mapapanatili mo ang iyong mga taga-subaybay. Pero kung nais mo ituloy nang mainam ay dapat huwag ka masyadong mag-alala sa pagbabago ng iyong pangalan.

  1. Siguraduhing naipaliwanag mo ang rason sa pagbabago ng iyong pangalan.
  2. Sabihin ang rason hangga’t maaga pa. Siguraduhing alam ng lahat ang nangyayari, kailan, at kung bakit.
  3. Sabihin ang pagbabago sa iyong website at sa social media.
  4. Kung may pagbabago sa paksa, gawing itong malinaw.

Huwag maramdaman na ika’y nakakulong o nakatali sa iyong pangalan. Siguraduhin na ang pangalan ay angkop sa iyo. Binabago ng mga kompanya ang kanilang brand palagi, ito ay mahusay na makakatulong sa iyo para lumago sa bagong tugatog.

Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!

Share your business name ideas
guest
0 Comments