Ang Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo ng Cafe
Bumuo ng ideya ng mga pangalan para sa iyong produkto sa ibaba.
Lumikha ng website nang LIBRE
Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.
Mga Premium na pangalan upang i-kickstart ang iyong negosyo
Gawa ng mga eksperto sa branding at mga propesyunal na taga-desenyo.
View More Premium Names from Domainify

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing
Nilalaman ng Artikulo
(Lumaktaw sa Seksyon)
Paano Pangalanan ang iyong Negosyo
5-Tips sa Pagpapangalan ng iyong Negosyo
Mga ideya sa Pangalan ng Negosyo
Paano Pangalanan ang iyong CafeHow
Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa apat na hakbang kung paano gumawa ng pangalan ng iyong Cafe. Sa ibaba ay iyong makikita ang dalawampung halimbawa ng mga pangalan na aking nabuo sa pamamagitan nito. Kasunod ay ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito magagawa. Upang masimulan, subukan ang tagabuo ng pangalan ng negosyo sa butik sa itaas o hanapin sa ibaba ang unang hakbang sa proseso ng pagpapangalan.
- Timpla Agad Cafe
- Aromang Itim
- Gintong Baso
- Jugz Expresso
- Urban Zest Cafe
- Bagong Giling
- Krim Mocha
- MoodSpresso
- Morning Vibe coffee
- Mga Tagahigop
- AntigoBee Kapeng Bahay
- Daily bean Perk
- Egoeast Latte
- Café pronto
- Ancient twist káva
- BagongBistay
- Express Chai Caffe
- Mugshot Café
- Krim Akin
- Busty Bean
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!
Apat na hakbang sa pagpangalan ng iyong cafe
Ang Cafe ay sikat ngayong panahon, galing sa pinakamaganda hanggang sa tuwirang di makatotohanan. Isang bagay lang ang sigurado, dapat kang bumuo ng isang pangalan na lalantad at kumakatawan sa katangi-tanging kahusayan ng iyong negosyo. Sa aming halimbawa, ako ay bumuo ng mga pangalan para sa negosyong Cafe na nagpapahiwatig ng kalidad, katamisan, at magandang karanasan. Narito ang bawat hakbang na aking ginawa sa paggawa ng pangalan ng negosyo.
#1) I-BRAINSTORM ANG IYONG MGA IDEYA NG PANGALAN
Simulan ang brainstorming sa mga salita na maaring magamit sa pangalan ng iyong produkto at serbisyo at ano ang makakapag-patanyag dito. Isulat ang mga salitang naglalarawan kung ano ang iyong inaalok. Sa aking mga ideya ng pangalan, salitang katulad ng “krim”, “café”, “Matamis” “Higop” at “sariwa” na maaaring maiugnay sa kape habang inilalarawan ang tatak at pagpapatupad ng iyong mga itinakdang mga layunin.
Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan.
Ito ang aking mga ideya matapos ang brainstorming:
#2) MAMILI SA IYONG MGA IDEYA
Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapa alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.
Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:
- Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
- Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
- Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
- Ang pangalan ba ay naghahatid ng mahalagang mensahe?
- Ang pangalan ba ay naiwasan ang paggamit ng madalas at pangkaraniwang mga salita?
Ang aking Shortlist:
Mga Inalis na Ideya:
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!
Mga Tugon ng aking Kostumer:
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa kalidad ng produkto na may masarap na lasa.
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa premium na sariwang produkto.
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa mahusay na serbisyo at produkto na malinawan ng iyong araw.
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa pagsasama ng kalidad at ng isang mahusay na karanasan.
#4) ALAMIN KUNG ITO AY MAARI PANG GAMITIN
Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng cafe sa iyong listahan. Kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na, maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo onlineupang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa pagpaparehistro ng Trademark at Pangalan ng Domain.
Alamin kung Maaari pang gamitin ang Domain
PAGSUSURI NG PANGALAN NG MGA KOMPETITOR
Upang matulungan ka sa pag-brainstorm ng potensyal na pangalan ng negosyo na Cafe, ating tignan ang tatlong matagumpay na negosyo sa social media at isa-isahin kung bakit at paano nila pinili ang pangalan ng kanilang negosyo, at bakit ito gumagana para sa kanila.

Barista Parlor nakamit nito ang koneksyon sa kostumer sa pagkakaroon ng isang simple at hindi makakalimutang pangalan ng negosyo. Ang pangalan ay kumakatawan sa vibe ng “all-artisan” at sa mataas na kalidad ng kape na inihahatid sa outlet. Sa pamamagitan lamang ng pagbanggit ng pangalan, ang nag-iisang imahe na maiisip ay isang barista na masipag sa trabaho upang mabigyan ang iyong umaga nang mabilis na pag-aayos.

Madcap coffee nagdudulot ng isang personal na koneksyon sa mga kostumer sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang mabuting pangalan ng negosyo. Habang ang pangalan ay hindi nagpapaliwanag ng tungkol sa kalidad o anumang bagay, ang Cafe ay maaaring makita bilang kapanapanabik at magarbo. Ito ay nagiging maayos ng may kagalagakan loob at ang ang matinding mabangong kape na inaalok sa Cafe.

Cafe Grumpy ay lumago upang maging isa sa mga pinakatanyag na Cafe sa US. Ang pangalan mismo ay lumalabas na nakakatawa na hindi mo mapigilang hindi suriin ito. Sa sandaling mabisita mo ito, maiuugnay mo ang pag-ibig sa tapang ng kape na may matinding pagnanais na ipares ito sa magaling na serbisyo.
5 TIPS PARA SA PAGPANGALAN NG IYONG WEBSITE
Ang mainam na pangalan ng website ay dapat na simple, madaling tandaan, at nagpapahiwatig ng kahulugan nang sabay-sabay. Narito ang aking 5 tips na dapat tandaan sa pagbuo ng pangalan ng iyong website.
1. GUMAWA NG PAGSUSURI SA KOMPETITOR
Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:
- Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
- Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”.
- Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?
2. MAGPOKUS SA PAGPA-PANGALAN NG IYONG NEGOSYO, HINDI KUNG PAANO ITO ILALARAWAN.t Describing it.
Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa websites katulad ng madilim, matamis, o tindahan. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.
Gamitin nating halimbawa ang isang totoong Cafe na tinatawag na “Barista Parlor”.
Sa literal, ipinapahiwatig ng pangalang ito na makukuha mo ang iyong kape mula sa isang barista sa isang parlor. Gayunpaman, sa isang mas malalim na antas, ito ay isang mahusay na pangalan na isinalin ang kasaysayan at mga halaga ng negosyo.
3. PAANO GUMAWA NG PANGALANG MADALING TANDAAN
Ang paggawa ng pangalan ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:
- Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (quick fix, Chai café, morning vibe coffee)
- Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (mugshot coffee)
- Panatilihin itong maikli at simple.
4. SUBUKANG BUMILI NG PANGALANG NAGBIBIGAY BRAND
Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng website ay maaaring:
- Candola Cafe
- Accova Cafe
Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com
5. IWASANG PAGSAMAHIN NG MGA SALITA PARA LAMANG BUMUO NG KAKAIBANG PANGALAN
Isa pa sa mga tipikal na kamalian ng mga may-ari ng website ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay nais pangalanan ang kanyang negosyo ng cream cafe at nalaman niyang ito’y hindi na maaring gamitin. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang website, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang creamsweet café, creamist or creamery cafe.
Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una.
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!
paano kadalas inilalarawan ang cafe
(“______ Cafe”)
Halimbawa, mga pangalan ng Cafe gamit ang mga kaugnay na salitang naglalarawan ‘Cosy Co. Cafe’and ‘9th Floor Cafe’.
KOMBINASYON NG MGA SALITA
Kumuha kami ng mga salita mula sa itaas at mula sa mga resulta ng tagabuo at pinagsama ang mga salita upang lumikha ng mga bagong pangalan ng negosyo na Cafe.
Huwag kalimutang subukan ang aming tagabuo ng pangalan para sa Cafe na negosyo!