TAGABUO NG PANGALAN NG MOBILE APP

Bumuo ng pangalan para sa iyong mobile app sa ibaba.

Lumikha ng website nang LIBRE

Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Matuto ng Higit PaMagsimula ng LibreWalang Kinakailangang Credit Card

MGA PREMIUM NA PANGALAN UPANG I-KICKSTART ANG IYONG NEGOSYO

Gawa ng mga eksperto sa branding at mga propesyunal na taga-desenyo.

Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

PAANO PANGALANAN ANG IYONG MOBILE APP

Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa apat ng hakbang upang magkaroon ng malikhain at brandable na pangalanan para sa ang iyong bagong mobile app. Sa ibaba ay iyong makikita ang dalawampung halimbawa ng mga pangalan na aking nabuo sa pamamagitan nito. Kasunod ay ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito magagawa. Upang masimulan, subukan ang tagabuo ng pangalan ng mobile app sa itaas o hanapin sa ibaba ang unang hakbang sa proseso ng pagpapangalan.

  1. Malinaw
  2. Farmeron
  3. orasan.ako
  4. Pick Up
  5. Commutify
  6. Rentilo
  7. Vibez
  8. Umangkop
  9. Harvester
  10. Abilogic
  1. Huminga
  2. Acoustify
  3. Nirvanous
  4. loca.ly
  5. Obliq
  6. Peppo
  7. stream.ako
  8. PURO
  9. Craftilo
  10. Cruzing

Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!

APAT NA HAKBANG SA PAGPAPANGALAN NG IYONG MOBILE APP

Ang apat na hakbang na proseso ay makakatulong sa pagpapangalan ng iyong mobile app. Sa halimbawang ito, gumagawa ako ng pangalan para sa mobile app na tumutukoy sa makabago, epektibo at simpleng halaga para sa mga gumagamit nito. Narito ang bawat hakbang na ginawa ko sa paggawa ng mga pangalang ito sa negosyo.

Mobile App Business Name Ideas Infographic

I-click upang Tignan ang Infographic

#1) I-BRAINSTORM ANG IYONG MGA IDEYA NG PANGALAN

Simulan ang brainstorming sa mga salita na maaring magamit sa pangalan ng iyong negosyo. Sa aking mga ideya ng pangalan, ginagamit ko ang mga salitang tulad ng “Matingkad”, “Vibe”, “Magbyahe” at “Lokal”, makikita mo na habang ang mga salitang ito ay maaaring maiugnay sa iba’t ibang mga industriya, iminumungkahi din nila kung anong uri ng mobile app ang maaari mong asahan mula sa negosyo o sa tatak. Ang iyong layunin ay gumawa ng listahan ng mga salita at pangalan na pumapasok sa isipan tuwing inaalala mo ang iyong negosyo.

Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan ng negosyo.

Narito ang aking mga ideya matapos ang brainstorming:

Malinaw

Farmeron

orasan.ako

Pick Up

Commutify

Rentilo

Vibez

Suitify

Harvester

Abilogic

Huminga

Acoustify

Nirvanous

loca.ly

Obliq

Peppo

stream.ako

PURO

Craftilo

Cruzing

#2) MAMILI SA IYONG MGA IDEYA

ataMpos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapan alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng halaga sa iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.

Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:

  • Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
  • Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
  • Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
  • Ang pangalan ba ay naghahatid ng kahulugan?
  • Ang pangalan ba ay walang labis na paggamit ng mga salita at cliches?

Ang Aking Shotlist:

Commutify

Farmeron

Craftilo

Vibez

 

Tinanggal na mga Ideya:

Malinaw

orasan.ako

Suitify

Pick Up

Harvester

Abilogic

Huminga

Acoustify

Nirvanous

loca.ly

Obliq

Peppo

stream.ako

PURE

Craftilo

Cruzing

Lumikha ng isang natatanging pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagabuo ng Pangalan sa Negosyo!

#3) HUMINGI NG TUGON

Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na pangalan ng mobile app at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.

Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:

  • Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
  • Paano mo ito baybayin?

Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo.

Mga Tugon ng aking Kostumer:

Commutify

Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng isang malikhain at mabisang mobile app para sa paghahanap ng pampublikong transportasyon.

Farmeron

Nagpapadala ang pangalang ito ng isang mobile app na makakatulong sa pamamahala ng mga organikong bukid.

Craftilo

Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng isang app na makakatulong sa mga kostumer nito sa pagkuha ng pinasadya na mga damit ayon sa pangangailangan.

Vibez

Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng isang mobile app na nakatuon sa pagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga gumagamit sa pamamagitan ng maingat sa pagpili ng musika.

#4) ALAMIN KUNG ITO AY MAARI PANG GAMITIN

Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng mobile app na negosyo sa iyong listahan, kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na. Maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa Trademark at Pagrerehistro ng Pangalan ng Domain.

Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain

PAGSUSURI SA PANGALAN NG KOMPETITOR

Upang matulungan kang mapag-isipan ang mga potensyal na pangalan ng negosyo, tingnan natin ang tatlong matagumpay na mobile apps at paghiwalayin kung bakit at paano nila pinili na pangalanan ang kanilang negosyo at kung bakit ito gumagana para sa kanila.

GameLoft Logo

Ang Gameloft ay ang negosyong dalubhasa sa pagbuo ng mga mobile game. Ang pangalan ay deretso naman pagdating sa pagpapabatid kung patungkol saan ang kumpanya. Gayundin, ang pangalan ay nagbibigay tatak at madaling matandaan.

Zynga Logo

Ang Zynga ay isa sa pinakatanyag na mga kumpanya sa pag-unlad ng app sa buong mundo na pinangalanan sa aso ng CEO nito na si Mark Pincus. Ang kumpanya ay orihinal na tinawag na Presidio Media ngunit ang tatak na ito ay hindi naging sapat na katangi-tangi. Nagdadala rin ng tema ang logo ng kumpanya sapagkat ito ay ang silweta ng isang aso.

Caesars enterainment Logo

Ang Caesars Entertainment ay isang kumpanya na dalubhasa sa paglikha ng mga app na istilong casino. Mayroong iba’t ibang mga mobile game at mga tip app sa portfolio ng kumpanya. Ang pangalan ay naiugnay sa pagsusugal at ito ay napaka tatak at madaling tandaan sa konteksto na iyon.

5 TIPS PARA SA PAGPANGALAN NG VIDEO GAME NA NEGOSYO

Ang mainam na pangalan ng negosyo ay dapat na simple, madaling tandaan, at nagpapahiwatig ng kahulugan nang sabay-sabay. Narito ang aking 5 tips na dapat tandaan sa pagbuo ng pangalan ng iyong negosyo

1. GUMAWA NG PAGSUSURI SA KOMPETITOR

Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:

  • Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
  • Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”
  • Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?

2. MAGPOKUS SA PAGPA-PANGALAN NG IYONG NEGOSYO, HINDI KUNG PAANO ITO ILALARAWAN.

Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya katulad ng
madaling gamitin, teknolohiya, at napapanahon. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.

Gamitin nating halimbawa ang isang totoong mobile app na tinatawag na “Tinder”.

Sa literal, ang salitang ‘tinder’ ay nangangahulugang isang tuyong materyal na madaling masunog. Sa konteksto ng mobile app, ang pangalan ay perpekto dahil ito ay isang dating app at ang pag-ibig ay maaaring maiugnay bilang isang sunog. Ito ay isang malikhaing pangalan na nagpapahiwatig ng misyon at vision sa likod ng app. Gayundin, ito ay nagbibigay tatak at madaling matandaan na pangalan.

3. PAANO GUMAWA NG PANGALANG MADALING TANDAAN

Ang paggawa ng pangala ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:

  • Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (Tik Tok, Subway Surfers)
  • Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (FaceBook – Ang mukha ay kumakatawan sa imahe ng tao at ang Facebook ay tungkol sa pagpapakita ng mga tao sa pinakamagandang liwanag.)
  • Panatilihin itong maikli at simple.

4. SUBUKANG BUMILI NG PANGALANG NAGBIBIGAY BRAND

Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng mobile app ay maaaring:

  • Liponis Music
  • Xavius Tracker
  • Cabilo Surfing

Maaring kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com

5. IWASANG PAGSAMAHIN NG MGA SALITA PARA LAMANG BUMUO NG KAKAIBANG PANGALAN

Isa pa sa mga tipikal na kamalian ng mga may-ari ng negosyo ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay pinangalanan ang kaniyang negosyo na Subway Surfers at nalaman niyang may nagmamay-ari na nito. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang negosyo, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang Surfway, Subwey Surfers or Survay Surfers.

Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una.

Share your business name ideas
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments