Paghahanap sa Pangalan ng Negosyo sa Pilipinas

Lumikha ng website nang LIBRE

Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.

Matuto ng Higit PaMagsimula ng LibreWalang Kinakailangang Credit Card

BAGO MAGSIMULA

Bago gamitin ang Philippine Business Name Database, maaaring makatipid ka sa oras kung sisiguraduhin na ang pangalang ng inyong negosyo ay natatangi at madaling makilala kumpara sa ibang mga negosyo sa loob ng Philippine Business Name Database. Namumungkahi kami na magisip kayo ng iba pang mga pangalan para bakasaling hindi nyo makukuha yung gusto nyong pangalan para sa negosyo.

Generate Business Name Ideas


Search business name availability

Madaling makipagugnayan sa mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng telepono o email, pero mas epektibo kung direktang masusuri ang pangalan ng negosyo direkta sa mga website ng tamang ahensya, depende sa klase ng negosyo nyo.

Libre tingnan sa mga website ng nararapat na ahensya ng gobyerno ang nais nyong pangalan para sa inyong negosyo. Kung ang inyong negosyo ay nasa ilalim ng:

  1. Nag-iisang pagmamayari (Sole Proprietor)
    • Nararapat na irehistro ito sa Department of Trade and Industry (DTI)
    • Maaari itong gawin mula sa DTI e-Business Name Registration System (e-BNRS): https://bnrs.dti.gov.ph/search
  2. Korporasyon o may Kasosyo (Corporation or Partnership)
    • Nararapat na irehistro ito sa Securities and Exchange Commission (SEC)
    • Siguraduhin na sundan lahat ng patnubay at instruksyon na nakalagay dito sa SEC website: https://www.sec.gov.ph/online-services/sec-company-registration-system/

DEPARTMENT OF TRADE INDUSTRY

Website: https://www.dti.gov.ph/

Phone: (+63) 1-DTI (384) / trunkline number (632) 77913100

Mobile: (+63) 9178343330 (SMS only)

Email: ask@dti.gov.ph

Hours: 8:00am – 5:00pm, Monday – Sunday (except holidays)

Social Media: Facebook: @DTI.Philippines
Twitter: @DTI.Philippines

DTI

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

Website: https://www.sec.gov.ph/

Phone: (632) 8818-0921

Email:  imessagemo@sec.gov.ph

Hours: 8:00am – 5:00pm, Monday – Sunday (except holidays)

SEC

Frequently Asked Questions

A. Kung ang inyong negosyo ay nasa ilalim ng:

  1. Nag-iisang pagmamayari (Sole Proprietor)
    • Nararapat na irehistro ito sa Department of Trade and Industry (DTI)
    • Maaari itong gawin mula sa DTI e-Business Name Registration System (e-BNRS): https://bnrs.dti.gov.ph/search
      • Tingnan kung hindi pa ginagamit ang napili nyong pangalang ng negosyo
      • Piliin ang business scope (regional, national, city/municipality, barangay)
      • Bayaran ang nararapat na bayaran (ayon sa business scope)
      • Pag bayad na, maaari nang kunin ang mga dokumento ng pangalan ng inyong negosyo sa pinakamalapit na DTI office, o maaari din itong i-print online.
  2. Korporasyon o may Kasosyo (Corporation or Partnership)
    • Nararapat na irehistro ito sa Securities and Exchange Commission (SEC)
    • Siguraduhin na sundan lahat ng patnubay at instruksyon na nakalagay dito sa SEC website: https://www.sec.gov.ph/online-services/sec-company-registration-system/

B. Kumuha ng mga Business Permits mula sa mga LGU (Local Government Units):

  1. Barangay Permit to Operate
  2. Mayor’s Permit

C. Pag kumpleto na ang lahat ng mga dokumento, isubmite ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para makakuha ng Certificate of Registration (COR).

D. Kung may mga empleyado kayo, siguraduhin na nakarehistro din sila sa mga nararapat na ahensya ng gobyerno (SSS, PHILHEALTH, HDMF/PAG-IBIG, BIR)

Para marehistro ang pangalan ng inyong negosyo, nararapat na ihanda nyo ang mga sumusunod na dokumento:

  1. BUSINESS PERMITS MULA SA MGA LGU’S (LOCAL GOVERNMENT UNITS)
    1. Barangay Permit to Operate
      • Barangay Clearance kung saan gagawin ang negosyo
      • para sa sole proprietor = DTI Business Name Certificate
      • para sa korporasyon/kasyoso = SEC Certificate of Incorporation/Partnership
      •  Contract of Lease (kung umuupa), o titulo ng lupa
      • Certificate mula sa Homeowner’s Association (kung ang negosyo ay nasa loob ng village, subdivision o condominium)
    2. Mayor’s Permit
      • Iba-iba ang mga requirement sa bawat munisipyo. Nararapat na pumunta sa inyong lokal na City Hall para siguraduhin ang mga kelangan na dokumento.
      • DTI Business Name Certificate; or SEC Articles of Partnership; or SEC Certificate of Incorporation
      • Barangay Clearance Or Permit
      • Contract of Lease or Land Title or Tax Declaration
      • Authorization letter of owner with ID
      • Sketch of location
      • Occupancy Permit
      • Locational Clearance
      • Public Liability Insurance
      • Community Tax Certificate (CEDULA)
      • Fire permit
      • Sanitary Permit
    3. BIR CERTIFICATE OF REGISTRATION (COR)
      • CERTIFICATION
      • DTI Certification (Single Proprietor)
      • Articles of Partnership SEC (Partnership)
      • Certificate of Incorporation SEC (Corporation)
      • Tax Identification Number TIN (Professional/Consultant)
      • CONTRACT OF LEASE or LAND TITLE
      • MAYOR’S PERMIT and BARANGAY CLEARANCE
    4. Kung may empleyado kayo, siguraduhin na naka-rehistro sila sa mga naaayong ahensya ng gobyerno:
      • SSS
      • PHILHEALTH
      • HDMF/PAG-IBIG
      • BIR

Kung ang nais nyong pangalan ng negosyo ay kasalukuyang ginagamit na, maaaring gamitin nyo ang mga pangalan na malapit-lapit o halos katulad ng pangalan, pero kelangan kumuha ng pahintulot sa naka-rehistrong negosyo na babaguhin nyo ng kaunti ang pangalan.

Kung hindi pa rin nakakakuha ng pangalan ng nais nyo para sa inyong negosyo, maaari nyong gamitin ang aming Business Name Generator, para makakuha ng natatanging ideya para sa pangalan ng negosyo nyo (click here to find our business name generator).


Registering your business Domain/website

Hwag kalimutan na tingnan din kung ang website domain name para sa inyong negosyo ay libre. Mahirap na marehistro ang pangalan ng inyong negosyo pero malalaman nyo na gamit na ng ang inyong ka-kompetensya o ibang kompanya ang pangalan ng inyong website! Gamitin ang aming domain check sa ilalim para matingnan kung hindi pa ginagamit ang nais nyong website!

Enter your business name to check domain availability