TAGA-PAGGAWA NG PANGALAN NG NEGOSYO SA KOMPANYANG POTOGRAPIYA
Gumawa ng pangalan para sa iyong negosyo sa baba.
Lumikha ng website nang LIBRE
Ang Tagabuo ng Website ng GoDaddy ay tutulungan ka gumawa at ayusin ang iyong website gamit ang mga drag-&-drop tools.
PREMIUM NA PANGALAN SA PAGSISIMULA NG NEGOSYO
Ginawa ng Espesyalista sa Branding at Propesyonal sa Disenyo.
Tumingin ng marami pang Premium na Pangalan sa Domainify

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing
Nilalaman ng Artikulo
(Lumaktaw sa Seksyon)
Paano Pangalanan ang iyong Negosyo?
5 tips sa Pag-pangalan ng iyong Negosyo
Ideya sa Pangalan ng Negosyou
PAANO PANGALANAN ANG IYONG NEGOSYO SA POTOGRAPIYA
Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa apat na hakbang upang pangalanan ang iyong negosyo sa Potograpiya. Sa ibaba ay iyong makikita ang dalawampung halimbawa ng mga pangalan na aking nabuo sa pamamagitan nito. Kasunod ay ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito magagawa. Upang masimulan, subukan ang tagabuo ng pangalan ng negosyong potograpiya sa itaas o hanapin sa iibaba ang unang hakbang sa proseso ng pagpapangalan.
- Sensational Snaps
- Camera for Hire
- Pictures to Treasure
- Your Favourite Photos
- Portrait People
- Your Life in Our Lens
- We Focus on the Good Things
- The Smooth Shutter Service
- Fabulous Photos
- PhotoPro
- Making Memories
- Smile Seekers
- The Tripod God
- Snap Into Action
- Focused on You
- Shutter Magic
- Lens Trends
- Photos for the Future
- Capture the Image
- More Than a Thousand Words
Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo kasama ang aming Tagapagbuo ng Pangalan ng Negosyo.
APAT NA HAKBANG SA PAGPAPANGALAN NG IYONG NEGOSYO SA POTOGRAPIYA
Itong apat na hakbang ng proseso ay makakatulong sa pagpapangalan ng iyong negosyo sa potograpiya. Sa halimbawang ito, gumagawa ako ng pangalan para sa negosyong potograpiya na maghahatid ng magandang serbisyo at lubos na pag-abot sa mga tao na hinahanap ng isang kostumer. Ito ang mga hakbang na aking ginawa sa paggawa ng mga pangalang ito
#1) MAG-BRAINSTORM NG MGA IDEA SA PANGALAN
Simulan sa pag-brainstorm ng mga salitang sasakto sa pangalan ng iyong negosyo. Sa aking ideya sa pagpapangalan, Ginamit ko ang mga salitang “Focus”, “Lens”, “Tripod” at “Stutter”, makikita mo na ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa Potograpiya, nagbibigay suhestyon din ito na ikaw ay isang eksperto pati na rin sa pagbibigay ng isang pagkakataon na lumikha ng ilang mga nakakatuwang pangalan na hinayaan ang mga tao na makita kung ano ang aasahan mula sa negosyong ito o tatak. Ang layunin mo rito ay gumawa ng listahan ng mga salita o pangalan na sumasagi sa iyong isipan tungkol sa iyong negosyo.
Kung ikaw ay nahihirapan sa paggamit ng mga salita na gagamitin, subukan mo ang amin tagabuo ng pangalan ng negosyo.
“Iilan sa ideya ng mga Pangalan matapos ang brainstorming
“#2) MAMILI SA IYONG MGA IDEYA
Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapa alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.
Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:”
- Ang pangalan ba ay simple at madaling tandaan?
- Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin?
- Ang pangalan ba ay naiiba sa mga kakompetensya?
- Ang pangalan ba ay naghahatid ng mahalagang mensahe?
- Ang pangalan ba ay naiwasan ang paggamit ng madalas at pangkaraniwang mga salita?
My Shortlist:
Removed Ideas:
Gumawa ng kakaibang pangalan ng Negosyo gamit ang aming Tagapagbuo ng Pangalan sa Negosyo
#3) HUMINGI NG TUGON
Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na pangalan ng negosyo sa Potograpiya at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.
Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:
- Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
- Paano mo ito iba-baybay?
Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo
Mga Tugon ng Aking Kostumer:
Ang pangalan na ito ay nagbibigay sa amin ng imahinasyon na ito ay palakaibigan na negosyo na nakapokus sa pagkuha ng mga magagandang larawan na may haplos ng tao.
Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng ideya na ang kumpanya ay kumukuha ng mga larawan na batay sa indibidwal na paksa sa halip na maging pareho ang lahat.
Ang pangalang ito ay nagpapakita na ang mga kumukuha ng larawan ay kumukuha ng perpekto at masayang larawan na nagbibigay din ng saya sa mga kustomer kapag kanila itong nakita.
Ang pangalang ito ay naghahatid ng pagsisikap ng isang kompanya na ang kanilang mga kustomer ang sentro ng kanilang pagsisikap at mga larawan.
#4) ALAMIN KUNG ITO AY MAARI PANG GAMITIN
Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng kompanya sa potograpiya business sa iyong listahan, kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na. Maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa Trademark at Pagrerehistro ng Pangalan ng Domain.
Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain
“PAGSUSURI NG PANGALAN NG MGA KOMPETITOR
Upang matulungan ka sa pag-brainstorm ng potensyal na pangalan ng negosyo, ating tignan ang tatlong matagumpay na negosyo sa Potograpiya at isa-isahin kung bakit at paano nila pinili ang pangalan ng kanilang negosyo, at bakit ito gumagana para sa kanila.”

Canon – ang orihinal na tawag sa sikat na Kompanya ng Potograpiyang ito ay Seikikōgaku Kenkyūsho. Noong 1935, ang kompanya ay gumawa ng unang Japanese na 35mm kamera na tinawag bilang Kwanon. Base sa pag-unlad ng prototype na ito, ang pangalan ng kompanya kalaunan ay pinalitan ng Cannon Camera Co

Polaroid – ginawa sa pamamagitan ng bisyonaryo, ang kompanyang ito ay orihinal na espesyalisado sa paggawa ng mga polarized sunglasses. Si Edwin Land ang nagtayo nito at nagsagawa ng ‘di mabilang na mga eksperimento sa larangan ng light polarization at ito ang naging dahilan kung paanong ang pangalang ito ay namalagi

Nikon -ang brand na ito ay orihinal na tinatawag bilang Nippon Kogaku ng Japanese Optical Company. Isa sa mga sikat na produkto ng kompanyang ito ay ang mga saklaw ng mga lenteng tinawag na Nikkor. Ang unang buong kamera na ginawa ng korporasyon ay tinawag na Nikon. Dahil sa katagumpayan ng kamera, ang kompanya ay napalitan sa pangalang Nikon
1. GUMAWA NG PAGSUSURI SA KOMPETITOR
Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:
- Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
- Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”
- Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito
2. MAGPOKUS SA PAGPA-PANGALAN NG IYONG NEGOSYO, HINDI KUNG PAANO ITO ILALARAWAN.
Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa potograpiya o studio. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.
Gamitin nating halimbawa ang isang negosyo ng potograpiya na tinatawag na “Headshot London”
Literal na ang pangalang ito ay nagpapahayag ng ideya na ikaw ay kukuha ng mga litrato ng isang ulo ng isang tao, ito ay nagbibigay ng ideya na mayroong mga espesyalista sa mismong uri ng potograpiya. Nagbibigay din ito ng imahinasyon na ang pagkuha ng dekalidad na mga imahe ay naghihikayat lalo ng mga kustomer.
3. PAANO GUMAWA NG PANGALANG MADALING TANDAAN
Ang paggawa ng pangalan ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:
- Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (Perfect Portraits, Fine Focus)
- Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (Lens – ito ay teknikal na salita sa potograpiya ngunit pwede natin itong gamitin playfully)
- Panatilihin itong maikli at simple.
4. SUBUKANG BUMILI NG PANGALANG NAGBIBIGAY BRAND
Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng Potograpiya ay maaaring:
Fotoful
PoPortraits
Photolike
Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com
5. IWASANG PAGSAMAHIN NG MGA SALITA PARA LAMANG BUMUO NG KAKAIBANG PANGALAN
Isa pa sa mga tipikal na kamalian ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay nais pangalanan ang kanyang negosyo bilang Family Photos at nalaman niyang ito’y hindi na maaring gamitin. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang negosyo, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang PhotoFamily, FamPhotos or FamilyPhotography
Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una
MGA SIKAT NA SALITA
Narito ang mga pangunahing sikat na salitang ginagamit sa mga kompanya ng Potograpiya.
Wag kalimutang gamitin ang Tagabuo ng pangalan ng negosyo sa Potograpiya
MGA PINAGSAMANG SALITA
Kinuha natin ang mga salita mula sa itaas at mula sa resulta ng ating generator at pinagsamang mga salita upang bumuo ng bagong pangalan ng kompanya ng Potograpiya.
InstaAperture (Instant + Aperture)
ShutterPics (Shutter + Pictures)
PhotoFocus(Photography + Focus)
ZoomPic
LapseImagery
POTOGRAPIYA SA BANYAGANG LENGGWAHE
Ikonsidera ang mga salitang banyaga sa pangalan ng iyong negosyo upang magbigay ng impresyon ng internasyunal o exotic na brand.
Latin: Consequat
French: La photographie
Spanish & Italian: Fotografía