Pagbuo ng Pangalan ng Negosyo sa Social Media

Bumuo ng pangalan para sa iyong negosyo sa social media sa ibaba.

Writer Ashley

Ashley S.
Espesyalista sa Branding at Marketing

Nilalaman ng Artikulo
(Lumaktaw sa Seksyon)

Paano Pangalanan ang iyong Negosyo?

Paano pangalanan ang iyong negosyo sa social media

Kumusta, ako si Ashley (Eksperto sa Branding) at gagabayan kita sa apat ng hakbang upang pangalanan sa inobatibong paraang ang iyong social media. Sa ibaba ay iyong makikita ang dalawampung halimbawa ng mga pangalan na aking nabuo sa pamamagitan nito. Kasunod ay ipapakita ko sa iyo kung paano mo ito magagawa. Upang masimulan, subukan ang tagabuo ng pangalan ng negosyo sa social media sa itaas o hanapin sa ibaba ang unang hakbang sa proseso ng pagpapangalan.

  1. AbutinMoKo
  2. Crowdly
  3. Inbound Media
  4. IbahagiAko
  5. DigiKupido
  6. Zoom
  7. Talaarawang Binary
  8. IbahagiNatin
  9. Spectrum
  10. MateVidz
  1. Tamang Tono
  2. Vivid
  3. Outreach Media
  4. Viraly
  5. UsapangMatunog
  6. Podcast Ngayon
  7. IbagahIto
  8. Madlang Sigaw
  9. ClickMe
  10. UsapDali

Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!

Apat na Hakbang sa Pagpapangalan ng iyong SOCIAL MEDIA NA NEGOSYO

Ang apat na hakbang na proseso ay makakatulong sa pagpapangalan ng iyong negosyo sa social media. Sa halimbawang ito, gumagawa ako ng pangalan para sa social media na tumutukoy sa pag-abot sa mga tao, pagbabahagi ng kontent at pagkonekta sa mga indibidwal. Ito ang mga hakbang na aking ginawa sa paggawa ng mga pangalang ito.

How to name a Social Media Business

Click to View Infographic

#1) I-brainstorm ang iyong mga ideya ng pangalan

Simulan ang brainstorming sa mga salita na maaring magamit sa pangalan ng iyong negosyo. Sa aking mga ideya ng pangalan, ginagamit ko ang mga salitang tulad ng “Pagbahagi”, “Pag-abot”, “Usap” at “Click”. Makikitang habang ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa mga social media, i-minumungkahi rin nito na maasahan mo ang pag-abot sa ilang mga tao, kumonekta sa kanila at maging kabahagi nila. Ang iyong layunin ay gumawa ng listahan ng mga salita at pangalan na pumapasok sa isipan tuwing inaalala mo ang iyong negosyo o serbisyo.

Kung ikaw ay naubusan ng mga salitang maaring gamitin, subukan ang aming tagabuo ng pangalan.

Ito ang aking mga ideya matapos ang brainstorming:

AbutinMoKo

Crowdly

Inbound Media

IbahagiAko

DigiKupido

Zoom

Talaarawang Binary

IbahagiNatin

Spectrum

MateVidz

Tamang Tono

Vivid

Outreach Media

Viraly

UsapangMatunog

Podcast Ngayon

IbagahiIto

Madlang Sigaw

ClickMe

UsapDali

#2) Mamili sa iyong mga ideya

Matapos bumuo ng listahan nang mga posibleng pangalan, magsimulang suriin ang iyong mga ideya. Alisin ang mga pangalan na maaring mahirapa alalahanin, baybayin o sabihin ng malakas. Itira ang mga pangalan na maaring gamitin bilang brand, mahusay sa pandinig, madaling maalala at naghahatid ng value na iyong brand, produkto o serbisyo sa iyong target ng madla.

Narito ang checklist na maari mong gamitin sa pagpapaikli ng iyong listahan ng mga pangalan:

  • Ang pangalan ba ay simple at madaling maalala?
  • Ang pangalan ba ay madaling basahin at bigkasin ng malakas?
  • Ang pangalan ba ay katangi-tangi mula sa iyong mga kompetitor?
  • Ang pangalan ba ay naghahatid ng kahulugan?
  • Ang pangalan ba ay walang labis na paggamit ng mga salita at cliches?

Ang Aking Shortlist:

Crowdly

Viraly

UsapDali

IbahagiNatin

Removed Ideas:

Abutin Ako

Inbound Media

IbahagiAko

DigiKupido

Zoom

Talaarawang Binary

Spectrum

MateVidz

Tamang Tono

Vivid

Outreach Media

UsapangMatunog

Podcast Ngayon

Ibahagi Ito

Madlang Sigaw

ClickMe

Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!

#3) Humingi ng Tugon

Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng 3-6 na mahuhusay na pangalan ng social media at maari ka nang magsimulang humingi ng tugon sa mga potensyal na kostumer o mga tao na nagta-trabaho sa katulad na industriya (target na madla). Iwasang humingi ng tugon mula sa iyong kapamilya at kaibigan, hindi sila ang iyong kostumer at mas malaki ang potensyal na purihin nila ang lahat mong mga ideya.

Siguruhing itanong ang mga tanong na tulad nito:

  • Ano ang una mong naiisip kapag naririnig mo ang pangalang ito?
  • Ito ba ay catchy?

Sa pamamagitan ng tugon ng iyong kostumer, tanungin mo ang iyong sarili kung ang pangalan ay mayroon pa bang kaugnayan at kung ito ba ay kumakatawan sa iyong negosyo.

Mga Tugon ng aking Kostumer:

Crowdly

Ang pangalang ito ay tumutukoy sa serbisyo na magdadala sa mga kliyente at kanilang negosyo sa harap ng target at tamang madla.

Viraly

Ang pangalang ito ay tumutukoy sa serbisyo na gagawa ng matunog na kontent at magsasabi ng tamang mensahe sa harap ng libong mga tao.

UsapDali

Ang pangalang ito ay naghahatid ng serbisyong kung saan ang mga taong walang kaugnayan sa isa’t isa ay makakabuo ng bigkis at koneksyon sa limitadong oras.

IbahagiNatin

Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng serbisyong nakapokus sa pagbabahagi ng kontent at paglalagay nito sa sa harap ng tamang tagapanood.

#4) Alamin kung ito ay maari pang gamitin

Sa puntong ito, maigi na magkaroon ng kahit na tatlong mahuhusay na pangalan ng social media sa iyong listahan. Kung sakaling ang mga pangalan ay nagamit na, maari kang Humanap ng Pangalan ng Negosyo online upang malaman kung ang pangalan mo ay pwede pang gamitin sa iyong bansa/probinsya. Siguruhin rin na hanapin ang pangalan ay maari pang gamitin para sa pagpaparehistro ng Trademark at Pangalan ng Domain.

Alamin Kung Maari Pang Gamitin Ang Domain

Pagsusuri ng Pangalan ng mga Kompetitor

Upang matulungan ka sa pag-brainstorm ng potensyal na pangalan ng negosyo, ating tignan ang tatlong matagumpay na negosyo sa social media at isa-isahin kung bakit at paano nila pinili ang pangalan ng kanilang negosyo, at bakit ito gumagana para sa kanila.

Facebook Logo

Facebook ay ang pinakamalaki at pinakapopular na social media ngayon. Ang negosyong ito ay nagsimula nang may layuning bumuo ng komunidad para sa mga estudyante ng Harvard. Ang unang pangalan nito ay Friendster, subalit ito ay binago sa Facebook dahil ang mga profile ay tinatawag na Facebooks. Ang pangalan ay naghahatid ng malakas na personal na koneksyon dahil ang mga gumagamit ay nakakagawa ng sariling profile, makipag-ugnayan sa ibang  mga tao at ibahagi ang kanilang mga opinyon – tulad ng pagsulat ng kanilang sariling libro. Ang pangalan ay rin ay tunay na matunog, madaling maalala at nagbibigay ng brand.

Snapchat Logo

SnapChat ay isang platform kung saan ang mga estranghero ay nakakapagusap sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan na nawawala matapos ang ilang segundo. Ang pangalan ay literal na nagpapahiwatig na ang komunikasyon ay hindi malalim, ngunit maikli at nakakatuwa. Ito rin ay matunog, madaling maalala at nagbibigay ng brand.

Instagram Logo

Instagram ay isang social media hango sa dalawang salita. Ang ‘Insta’ ay tumutukoy sa kamera at ang  ‘gram’ ay tumutukoy naman sa telegrama. Ang social mediang ito ay nakapokus sa pagbabahagi ng mga larawan at pakikipagugnayan sa mga taong at komunidad na nagkakasundo. Ang pangalan ay madaling banggitin, matunog, madaling tandaan, at mahusay sa pagbibigay ng brand.

5 Tips Para sa pagpangalan ng iyong website

Ang mainam na pangalan ng website ay dapat na simple, madaling tandaan, at nagpapahiwatig ng kahulugan nang sabay-sabay. Narito ang aking 5 tips na dapat tandaan sa pagbuo ng pangalan ng iyong website.

1. Gumawa ng pagsusuri sa kompetitor

Ang paggawa ng pagsusuri sa kompetitor ang unang hakbang na tutulong sa iyo upang makatipid ng maraming oras, ang pag-alam ng mga pangalang dapat iwasan at ang pag-intindi kung bakit at paanong ang pangalan ng negosyo ng iyong mga kompetitor ay makakatulong sa iyo upang bumuo ng sariling pangalan ng iyong negosyo. Sa pagsusuri ng mga kompetitor isipin ang:

  • Anong values ng negosyo o produkto ang nais nilang ipahatid gamit ang pangalan ng kanilang negosyo? Paano ito gumagana sa kanila?
  • Mayroon bang trend kung paano pina-pangalanan ang mga negosyong ito? Maiging iwasan na maging katunog tulad “lamang ng mga negosyong iyon”
  • Sino ang pinakamahusay? Bakit ito gumagana at paano ako makakagawa ng mas mainam na pangalan kaysa dito?

2. MagPokus sa pagpa-pangalan ng iyong negosyo, hindi kung paano ito ilalarawan.

Ang tipikal na suliranin ng karamihan sa mga negosyo ay ang paglalarawan ng kanilang negosyo nang masyadong literal, sobrang paggamit ng mga terminolohiya sa websites katulad ng biz, web, o digital. Ang mas epektibong pangalan ay dapat na naghahatid ng values ng iyong negosyo at produkto sa mas malalim na antas. Subukan mong pangalanan ang iyong negosyo sa paraang may kwento sa likod nito.

Gamitin nating halimbawa ang isang totoong website na tinatawag na Mr. Money Moustache.

Ito ay kombinasyon ng mga palayaw at paksa na tinatalakay ng website. Ngunit kung una mo itong titignan, maaring ikaw ay parang mawawalan ng ideya kung ano ang mayroon dito. Dahil sa pangalan ay lalo kang magiging mausisa at interesado sa pag-alam kung tungkol saan ang website na ito.

3. Paano gumawa ng Pangalang madaling tandaan

Ang paggawa ng pangalan ng negosyong madaling tandaan ang unang hakbang para manatili sa isipan ng iyong kostumer ng iyong kostumer at isang gawaing mas madaling sabihin kaysa gawin. Tungkulin ng pangalan ng iyong negosyo na mapatigil ang kostumer sa kanilang tahakin at bigyan ng kaukulang atensyon ang iyong produkto higit sa lahat ng iyong kompetitor. Ilang tips para sa pagbuo ng pangalang madaling maalala ay:

  • Gumamit ng ritmong pagbigkas o alliteration (LinkedIn)
  • Subukang gumamit ng isang salita na hindi nauugnay kapag wala sa konteksto (Facebook – face tulad ng sa mukha ng isang tao ay nagpapahiwatig na ang tao ay bumubuo ng sariling presensya o nagpapakita ng kanilang sarili ayon sa kanilang mithiin.)
  • Panatilihin itong maikli at simple.

4. Subukang bumili ng Pangalang nagbibigay brand

Ang mga pangalang nagbibigay brand sa negosyo ay ang mga pangalang walang katuturan subalit nababasa at nabibigkas ng mahusay. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pattern ng sulat ng Vowel / Consonant / Vowel dahil ang istrukturang ng mga salitang ito ay karaniwang maikli, kaakit-akit, madaling sabihin at matandaan. Halimbawa, ang ilang mga brandable na pangalan ng website ay maaaring:

  • Ezio Media
  • Telvius Media
  • Magnus Media

Maaari kang makahanap ng isang buong listahan ng mga brandable na pangalan ng negosyo sa Domainify.com

5. Iwasang Pagsamahin ng mga salita para lamang bumuo ng kakaibang pangalan

Isa pa sa mga tipikal na kamalian ng mga may-ari ng website ay ang paggawa ng mga hindi kaaya-ayang kombinasyon ng mga salita tuwing malalaman nilang ang kanilang ideya ng pangalan ng negosyo ay nakuha na. Isang halimbawa, si Juan ay nais pangalanan ang kanyang website na SnapTalk at nalaman niyang ito’y hindi na maaring gamitin. Dahil siya ay desidido nang ito ang pangalan ng kanyang website, sinubukan niyang bumuo ng pangalan na katunog nito katulad ng pangalang SnappTalk, SnapTalking or SnaapTalk.

Makikita mo na ang mga ideyang ito ay hakbang paatras sapagkat ito ay hindi catchy, mahirap bigkasin at hindi madaling maalala. Sa mga sitwasyong ito, minumungkahi namin na magsimula sa umpisa at subuking muli ang mga tips na amin nang nabanggit noong una.

Gumawa ng kakaibang pangalan ng negosyo gamit ang aming Tagabuo ng Pangalan ng Negosyo!

Sikat na mga salita

Narito ang mga pinakasikat na mga pangalan na ginagamit sa Social Media.

Pad

Buhay

Space

Insta

Tag

Snap

Tayo

Chat

Usap

Tube

Kita

Maging malikhain

Subukan na pagsamahin o gumamit ng mga malikhaing salita upang makabuo ng mga pangalan ng kumpanya sa social media.

TaKom (Tayo + Komunikasyon)

Chatzee

Snapper (Snap tulad ng sa larawan, Snapper ay isang uri ng isda)

Meetly (“ly’ ay sikat na pagtatapos ng pangalan)

SpacePad

TagSpace

MGA SALITANG MAY KAUGNAYAN SA KOMUNIKASYON AT SOCIAL MEDIA

Subukan gamitin ang mga salitang may kinalaman sa Social Media upang bumuo ng mga nauugnay na pangalan ng negosyo.

Babble

Chat

Komento

Konek

Usap

Hatid

Talakay

Sundan

Hawakan

Gusto

Link

Mensahe

Mensahero

Ipabatid

Ipadala

Snap

Subscribe

Boses

Yap

Maging malikhain

Subukan na pagsamahin o gumamit ng mga malikhaing salita upang makabuo ng mga pangalan ng kumpanya sa social media.

TaKom (Tayo + Komunikasyon)

Chatzee

Snapper (Snap tulad ng sa larawan, Snapper ay isang uri ng isda)

Meetly (“ly’ ay sikat na pagtatapos ng pangalan)

SpacePad

TagSpace

Huwag kalimutang subukan ang aming tagabuo ng pangalan para sa social media na negosyo!

Share your business name ideas
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments